Bugoy Cariño at EJ Laure, ibinahagi ang kanilang karanasan bilang first time parents

Bugoy Cariño at EJ Laure, ibinahagi ang kanilang karanasan bilang first time parents

- Ibinahagi ng first time parents na sina Bugoy Cariño at EJ Laure ang kanilang karanasan bilang mga magulang

- Sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng anak sa murang edad, natutunan nilang baguhin ang kanilang pananaw sa buhay

- Ibinahagi din nila kung paano nila nalampasan ang mga pang-uuyam ng mga tao tungkol sa kanilang relasyon

- Sa pagkakaroon ng karagdagang responsibilidad, nasabi nilang mas nag mature umano sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang mahigit isang buwan simula nang isapubliko nina Bugoy Cariño at EJ Laure ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak, nagpaunlak sila ng isang interview sa “I Feel U" ni Toni Gonzaga.

Ayon kay Bugoy, hindi man naging madali noong una, unti-unti siyang nakapag-adjust sa tulog na rin ng pamilya nila ni EJ na gumagabay sa kanila.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena
Bugoy Cariño at EJ Laure, ibinahagi ang kanilang karanasan bilang first time parents

Photo from iambugoycarino03/Instagram
Source: Instagram

“Siyempre po nung una, hindi naging madali sa akin. Siyempre kasi hindi ko naman po alam kung paano maging daddy, kung paano alagaan yung baby. Pero habang tumatagal, natututunan ko. Kasama ko po yung mama ko, yung family na nag-ga-guide sa akin. Habang tumatagal naman, natututunan ko and mas nagiging madali naman po,” ani Bugoy.

Nag-iba ang pananaw ng binata sa buhay dahil sa pagdating ng kanilang anak na si Scarlet.

“Mas nag-mature siguro yung pag-iisip ko. Mas iisipin ko na ngayon yung baby ko kaysa sa akin. Siyempre ganun naman po ang mga parents,” aniya.

Pangarap niya umanong mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Ayon naman kay Laure, natutunan niyang huwag magpaapekto sa mga sinasabi ng mga tao kagaya ng ginagawa ni Bugoy.

Si Bugoy umano ang tumulong sa kanya na deadmahin ang mga negative comments sa kanila.

(Watch the video below (Proceed to 31:26))

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pulis, hinangaan ng netizens matapos magsauli ng bag na may lamang P3 milyon halaga

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi din siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang nagsalita din si EJ tungkol sa lumabas na balita tungkol sa umano'y pagbubuntis niya.

Hindi naman itinago nina Bugoy at EJ ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel