Ogie Diaz, rumesbak sa nagsabing baka raw miyembro ng rebeldeng grupo si Liza

Ogie Diaz, rumesbak sa nagsabing baka raw miyembro ng rebeldeng grupo si Liza

- Pinagtanggl ni Ogie Diaz si Liza Soberano laban sa isang vlogger na nagsabing baka miyembro daw ng rebeldeng grupo ang aktres

- Kasunod ito ng kanyang pagsasalita sa isang webinar na inorganisa ng mga kabataang miyembro ng Gabriel

- Hindi man pinangalanan ni Ogie ang nasabing vlogger, marami ang nakakatunog na para sa kanya ang ga patutsada ng talent manager ni Liza

- Nilinaw din niyang walang bayad ang nasabing guesting ni Liza sa nasabing webinar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Rinesbakan ni Ogie Diaz ang isang vlogger na bumatikos kay Liza Soberano matapos nitong makibahagi sa webinar na inorganisa ng mga kabataang miyembro ng Gabriela. Ayon sa nasabing vlogger, baka umano miyembro ng rebeldeng grupo ang aktres.

Buwelta naman ni Ogie sa Twitter, bago umano niya i-redtag si Liza, magpa check up muna ito dahil sa tila palaging pag-ubo nito habang ginagawa ang kanyang YouTube live stream.

Pichon, Cheska, at Patrick Garcia, kumasa sa ‘Who’s Who’ challenge

“Si ateng bading, ubo nang ubo at tila makati ang lalamunan sa kanyang livestream. Pa-swab test ka na kaya.

“Bago mag-redtag, pa-check up mo muna yung ubo at kati ng lalamunan mo. Pa-swab test muna. Baka kung ano na yan, teh,” ani Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbibiro pa nito, may nakarating na balita sa kanyang nanggaling sa bundok ang vlogger dahil tila alam na alam umano nito ang galawan ng mga NPA sa bundok dahil sa kanyang detalyadong pagkukwento.

Nilinaw din niyang walang perang involved sa guesting na iyon ni Liza sa webinar ng Gabriela.

“Wala po. Ang alam ko, may ‘money involved’ sa mga nagre-redtag sa alaga ko. Monthly daw yan. #workfromhomesila.”

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng patuloy na sumusuporta at nagtatanggol kay Liza sa gitna ng pambabatikos ng ilang netizens sa kanya.

Doc Adam Smith, umalma sa reklamo ni Dr. Farrah Agustin-Bunch sa kanya
Ogie Diaz, rumesbak sa nagsabing baka raw miyembro ng rebeldeng grupo si Liza

Photo from Ogie Diaz/Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Matatandaang sinuportahan din nito si Liza matapos magsampa ng kaso ng aktres sa isang netizen na nagbiro ng hindi maganda tungkol sa kanya. Ang nasabing netizen ay empleyado ng internet service provider na kanyang inereklamo dahil sa mabagal nitong internet speed.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel