Magkakapatid na humiling ng tablet kay Tulfo, nagulat sa pag-uwi ng inang OFW

Magkakapatid na humiling ng tablet kay Tulfo, nagulat sa pag-uwi ng inang OFW

- Natulungan ni Raffy Tulfo ang magkakapatid na naulila na sa ama at nasa abroad pa ang ina

- Humiling lamang sa programa ni Tulfo ang magkakapatid ng tablet na kanilang magagamit sa kanilang online class

- Subalit nang inalam ni Tulfo ang kalagayan ng pamilya ng tatlong bata, nagpaabot na rin siya ng tulong sa buon pamilya nito

- Ang masaya pa rito, ang ina ng mga bata na nawalan umano ng trabaho sa ibang bansa ay nakauwi na rin sa tulong ng kanilang "Idol Raffy"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkakapatid na humiling ng tablet kay Raffy Tulfo, di akalain mapapuwi rin ang OFW na ina

Photo from PxFuel
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang magkakapatid na sina Vhenedixt, Kharizha at Van Gabriel upang makahingi umano sila ng tablet para sa kanilang online classes.

Nalaman ng KAMI na ulila na sa ama ang magkakapatid at ang kanilang ina na overseas Filipino worker ay nawalan pa raw ng trabaho sa abroad dahil sa pandemya.

Ama, inatake ang anak na nakahuli sa kanya habang angkas si kabit

Nalaman din ni Tulfo na ang tatlong batang ito ay nasa pangangalaga ng tiyuhin at kanilang lolo at lola.

Delivery rider ang tiyuhin nila na siyang katuwang ng kanilang ina sa mga gastusin. Nang malaman ni Tulfo na hindi pa bayad ang motor na ginagamit ng tiyo ng mga bata, pati ito ay pinaabutan na rin niya ng pambayad para rito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang lola ng mga bata na di na maiunat ang binti ay nabiyayaan din ng bagong wheelchair.

At ang surpresa ng programa sa mga bata ay ang ina nilang nakabalik na ng bansa at muli na silang magkasama-sama.

Bukod pa sa mga ito, binigyan din ang pamilya Dela Cruz ng mga grocery items upang di na raw ito mamroblema sa mga susunod na mga araw.

Labis na nagpapasalamat ang tatlong bata lalo na ang kanilang ina na halos di makapaniwala sa mga tulong na natanggap mula sa kanilang Idol Raffy.

Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng korte

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang taho vendor naman ang natulungan ni Tulfo na magkaroon ng negosyong mas angkop sa kanyang kalagayan. Nag-viral kasi ang taho vendor na ito na bitbit ang anak habang naglalako.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Mas lalo siyang nakilala nang dahil sa kanyang serbisyo publiko at agarang pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga taong naaapi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel