Guro, nadurog ang puso sa estudyante niyang walang pambili ng crayons

Guro, nadurog ang puso sa estudyante niyang walang pambili ng crayons

- Viral ang post ng isang guro na patungkol sa kanyang estudyante na walang pambili ng pangkulay

- Nang ipasa kasi nito ang kanyang module kung saan mayroon siyang dapat na kulayan, wala itong kulay

- Nag-iwan na lamang ito ng note sa guro at sinabing wala raw siyang pambili ng crayons kaya walang kulay ang kanyang ginawa

- Nadurog ang puso ng guro kaya naman binigyan niya ang estudyante ng isang kahong crayola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Estudyanteng nag-sorry sa guro dahil walang pambili ng crayons, umantig sa netizens

Photo from PxFuel
Source: UGC

Umantig sa mga puso ng mga netizens ang post ng guro na si Velcher Castillo tungkol sa kanyang estudyanteng walang pambili ng crayons o pangkulay.

Nalaman ng KAMI na ang activity sa module na ipinasa kay Teacher Velcher ay may guhit.

Ngunit ang ipinasa ng bata ay wala namang kulay. Sa ibabang bahagi ng kanyang module, humingi siya ng paumanhin sa guro at wala raw siyang pambili ng mga pangkulay na kailangan din pala sa pagsasagot ng learning modules.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

"Sir wala po akong pambili ng krayola sorry po," paliwanag ng mag-aaral.

Dahil dito, labis na nadurog ang puso ng guro kaya siya na mismo ang nagbigay ng isang kahong crayola sa mag-aaral niya.

"Don't be sorry, nak. I understand you. Here's a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe," ang isinagot naman ng guro sa note ng estudyante sa module.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap. Kapit lang. Laban lang. Tuloy lang. Magkikita kita muli tayo. Know that your efforts are valid and appreciated. Kahit na at kahit pa," ang bahagi ng viral post ng guro.

Dahil dito, umani rin ng papuri ang guro dahil sa kabutihang ipinakita sa mag-aaral upang hindi ito mawalan ng loob na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Bibong PE teacher sa kanyang online class, kinagiliwan ng netizens

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakaka-inspire po sir, sana dumami pa po ang tulad niyo"

"Tama po ang ginawa niyo ser. Mas gaganahan po ang bata na matuto kasi hindi po siya sinukuan ng kanyang guro"

"Hala bakit ako naiyak? God bless you sir, napakahirap po ng buhay ngayon pero napapagaan mo dahil sa iyong kabutihan"

"Yan ang totoong guro, may malasakit sa estudyante niya"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong nagbukas na ang klase sa pampublikong paaralan, mas maraming sakripisyo ang nagawa ng mga guro dahil sa iba't ibang pamamaraan ng pagkatuto ng mga bata na nararapat nilang matugunan.

Ang ilan, sukdulang sumakay pa ng traktora makapaghatid lamang ng modules sa mga estudyanteng malalayo ang tahanan.

Mayroon pang nagawang lumangoy sa ilog para lang makatawid at mahatirang ng module ang mga estudyanteng nasa kabilang bahagi ng kanilang lugar.

Netizen na bumili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

Ilan lamang ito sa mga gawaing nagpapakita ng dedikasyon ng mga guro na maging ang pandemya ay hindi kayang hadlangan ang edukasyon ng mga kabataan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel