Misis, nakatanggap ng ₱10,000 bonus mula kay mister dahil "very good" siyang ina

Misis, nakatanggap ng ₱10,000 bonus mula kay mister dahil "very good" siyang ina

- Nag-viral ang isang misis na sinurpresa ng kanyang mister ng perang nagkakahalaga ng ₱10,000

- Sa sulat ng mister, "very good" na ina raw ang kanyang misis kaya naman binigyan niya ito ng pabuya

- Sinabi pa ng mister na magpa-rebond daw ang misis at bumili ng mga damit

- Maraming netizens partikular na ang mga misis ang napa "sana all" nang makita ang post na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Misis, nakatanggap ng ₱10,000 bonus mula kay mister dahil "very good" siyang ina

Photo from PxFuel
Source: UGC

Aminadong nakaramdam daw ng inggit ang mga misis nang makita ang viral post na ito ng netizen na si Muslima Pino.

Nalaman ng KAMI na bagaman at hindi mismo sa kanya ang larawan, nabanggit niya na kung sa kanya ginawa ito ng mister ay gagawin niyang puhunan ang perang ilalaan sa kanya.

Kuha kasi ito ng isang babae (misis) na natutulog at sinurpresa ng kanyang asawa ng ₱10,000.

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Sa note na kalakip ng pera, sinabi roon na "very good" na nanay ang misis kaya naman binigyan niya ito ng bonus.

"Eto reward mo, pa-rebond ka na at bumili ng damit mo," dagdag pa ng mister.

Ayon sa mga netizens, masuwerte raw ang babae at napapahalagahan ng kanyang asawa ang mga hirap at sakripisyong ginagawa nito sa kanilang pamilya.

Lalo na ngayong nasa bahay lamang ang mga bata at doon na rin nag-aaral, lalo nang nadagdagan ang gampanin ng ina na magtuturo pa ng aralin sa mga anak.

Dahil dito, napa "sana all" ang maraming misis na umaasang makatatanggap din ng ganito mula sa kanilang mga mister.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Buti pa siya, sana maisip din yan ni daddy para mas lalo akong ganahan sa mga gawaing bahay"

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

"Pa, beke nemen. very good din naman ako sa pagtuturo ng Math sa mga bata ah?"

"I-tag ko mister ko para magkaroon siya ng idea kung paano ako i-surprise"

"Dy, tapos na po namin yung modules... sana paggising ko bukas may ganyan din po"

"Swerte naman ng misis na yan, magpaparebond na, may pambili pa ng damit"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang ulat ng KAMI, isang mister naman ang nag-iiwan talaga ng pera sa bulsa ng pantalon para hindi raw agad na makaramdam ng pagod sa paglalaba.

Mayroon din naman na sa araw pa lamang ng kanilang kasal, isang milyong piso na agad ang natanggap ng isang bride mula sa kanyang groom.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel