Mag-amang nagpapahinga sa gilid ng lansangan, umantig sa mga netizens

Mag-amang nagpapahinga sa gilid ng lansangan, umantig sa mga netizens

- Marami ang naantig sa kalagayan ng mag-amang nasa lansangan na natutulog

- Base sa mga naibahaging Facebook post, nagtitinda ng mga lobo ang ama habang kasama ang maliit na anak

- Sa mga nag-viral na mga litrato ng mag-ama, makikitang mahimbing silang natutulog sa malilim na bahagi ng gilid ng lansangan

- Bumuhos din ang mga mensahe na nagpapahayag ng kanilang kagustuhan na makapaghatid ng tulog sa mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa mga litrato ng mag-ama na nakatulog habang nagpapaliim sa gilid ng isang lansangan. Base sa mga litratong naibahagi sa Facebook, nagbebenta ng lobo ang ama at kasa-kasama niya ang kanyang anak habang nagha-hanap-buhay.

Bukod sa nakakaawang kalagayan ng mag-ama, marami ang humanga sa pagpupursige ng ama na makapaghanap-buhay para sa kanyang pamilya at hindi nito pinababayaan ang anak habang siya ay nagtitinda.

Magulang, nagbabala tungkol sa mga 'kawatan' na nagpapanggap na kalaro ng mga bata online

Sa mga litratong ibinahagi ni Maria Carnel Sabino Tek-ing sa Facebook, makikita ang mag-ama na natutulog. Ayon sa kanya nakita niya ang mag-ama sa tapat ng Uniwide Mall Las Piñas City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Photo fro: Jandale Gacasa Forrester/Facebook

Mag-amang nagpapahinga sa gilid ng lansangan, umantig sa mga netizens
Source: Facebook

Ayon pa sa isang netizen na nagngangalang Jandale Gacasa Forrester, napag-alaman niyang tatlo umano ang anak ni tatay at taga Cavite umano sila. Nakatulog umano sila dahil nagpahinga na lamang siya dahil wala pa umano siyang benta.

Nagpaalala siya sa mga nais tumulong sa mag-ama na idiretso na lamang ang kanilang tulong upang siguradong makarating kay tatay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Masasabing isa sa mga magagandang nangyayari pa rin kahit na mayroong pandemya ay ang pagtutulungan at pagmamalakit natin sa ating kapwa. Ngayong panahong dumaraan tayo sa matinding krisis dala ng COVID-19, natuto tayong pahalagahan ang kung ano ang meron tayo gayundin ang pagbabahagi ng kung ano man ang mayroon tayo sa mas higit na nangangailangan.

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

Gaya na lamang ng isang ice cream vendor na kahit kinulang ng pera ang bumili sa kanya, maluwag pa rin niya itong tinangap at ibinigay ang kanyang itinitinda.

Ang ilan naman, nagagawang bilhin at pakyawin na lamang ang paninda ng ilan nating mga kababayan upang makauwi na ito at makapagpahinga lalo na kung ang naglalako ay may edad na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel