Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

- Hinangaan ang isang construction worker na nakuhanan ng larawan na nagsasagot ng kanyang mga modules

- Ginagawa raw niya ito tuwing kanyang break time sa trabaho

- Magsilbing inspirasyon daw ito sa ibang mga estudyante at mga kabataang sumasailalim ngayon sa bagong normal sa edukasyon

- Hangad naman ng marami na makatapos ng pag-aaral ang masipag na construction worker upang magbunga ang lahat ng kanyang pagsasakripisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Construction worker, dala ang mga modules na sinasagutan tuwing break time

Photo from Rael Jr Rael's Facebook
Source: Facebook

Viral ang larawan ng isang construction worker na nagagawang isingit ang pagsasagot ng kanyang mga learning modules sa trabaho.

Nalaman ng KAMI na nagagawa ito ng trabahador tuwing break time niya sa trabaho.

Ibinahagi ng netizen na si Rael Jr. ang construction worker na estudyante na makikita ang pagsusumikap na makapag-aral.

Mahirap man, ngunit tila pabor sa kanya ang ganitong sistema kung saan siya ay nakapag-aaral kahit na naghahanapbuhay.

Mag-amang nagpapahinga sa gilid ng lansangan, umantig sa mga netizens

Dahil dito, umani siya ng papuri at respeto mula sa mga netizens na labis na naantig sa kanyang pinakitang kasipagan.

Magsilbi raw itong inspirasyon sa mga kabataan na ang iba ay di na kailangang maghanapbuhay pa habang nag-aaral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakabilib si kuya. Yung iba puro reklamo sa module samantalang siya humahanap pa talaga ng oras para makapagsagot."
"Saludo ako sayo kuya, sana makatapos ka ng pag-aaral. deserve mo yune e!"
"Nakaka-inspire ka po! sana tularan ka ng marami at hindi sila mawalan ng loob tulad mo"
"Sana makamit mo ang mga pangarap mo at maisaayos mo ang iyong buhay, masipag ka kaya nararapat na magbunga lahat ng pinaghihirapan mo"
"Makita sana ito ng ibang kabataan at maisip nila kung gaano sila kaswerte na di na nila kailangang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho"
Magulang, nagbabala tungkol sa mga 'kawatan' na nagpapanggap na kalaro ng mga bata online

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan kamakailan na nag-viral ang isang college student na naglabas ng kanyang hinaing sa mga instructors at propesor niya sa mga pinagagawa nito sa kanila.

Sa dami raw kasi, aminado siyang tila hindi na nauunawaan ang aralin at sinisikap na lamang na maipasa ang mga gawain sa oras.

Agad naman nadinig ng kinauukulan ang kanyang hinaing at nabigyang aksyon.

Oktubre 5 nang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan at iba pang mga unibersidad sa bansa.

Ngayong humaharap pa rin tayo sa pandemya, iba't ibang learning modalities ang inihanda ng Kagawaran ng edukasyon kung saan isa na rito ang pagkakaroon ng modules na maaring pag-aralan ng mga estudyanteng walang kapasidad na magkaroon ng smartphone o gadget para sa online classes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel