Grade 6 student na naglalako ng mais at nagmo-module sa gabi, natulungan ng isang vlogger

Grade 6 student na naglalako ng mais at nagmo-module sa gabi, natulungan ng isang vlogger

- Namataan ng isang vlogger sa Aklan ang binatilyong naglalako ng mais at kanya itong tinulungan

- Wala kasi halos na pumapansin sa binatilyo at pansin ng vlogger na matumal ang pagbebenta nito ng mais

- Napag-alaman niyang kaya naglalako ang binatilyo ay upang mayroon silang pambili ng pagkain ng kanyang kapatid

- Nabanggit din ng binatilyo na kasalukuyan siyang nag-aaral at siya ay nasa ikaanim na baitang pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binatilyong naglalako ng mais at nagmo-module sa gabi, natulungan ng isang vlogger

Photo from PxFuel
Source: UGC

Isang binatilyong naglalako ng mais ang namataan ni Archie Hilario o mas kilala bilang si "Pobreng Vlogger" ng Aklan.

Nalaman ng KAMI na napansin umano ni Archie na walang pumapansin sa mga panindang mais ng binatilyo kahit makailang beses na siyang lumapit sa mga tao upang i-alok ang kanyang paninda.

Kaya naman tinawag na ito ni 'Pobreng Vlogger" upang usisain. Inalam niya kung magkano ang mga panindang mais at bakit niya ito ginagawa.

Lorita Cadena sa mga nakarinig daw ng boses ni Lloyd sa bagong vlog: "Ipagdasal niyo na lang siya"

Kwento ng binatilyo, tumutulong siya sa pamilya at ipambibili raw niya ng makakain nilang magkapatid ang kikitain sa pagbebenta ng mais.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil dito, naantig ang puso ng vlogger kaya naman ibinigay na lamang niya ang 25 na kilo ng bigas sa binatilyo upang masiguro na mayroong nakakain ang pamilya nito sa mga susunod na araw. Inabutan niya rin ito ng tulong pinansyal.

Nalaman din ng vlogger na nag-aaral pala ang binatilyo. Bagaman at 15-anyos na pala ito, nasa ikaanim na taon pa lamang siya.

Matapos niyang maglako, sa gabi naman niya inilalaan ang oras para makapagsagot siya ng kanyang mga modules.

Narito ang kabuuan ng kwento ng binatilyo mula sa YouTube channel ni Archie Hilario- Pobreng Vlogger:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Magkapatid, naghihiraman ng CP para sa online class habang naglalako sa gilid ng mall

Noong Oktubre 5, nagsimula na ang klase sa mga pampublikong paaralan. Dahil nasa "new normal" na rin tayo ng edukasyon, may iba't ibang mga learning modalities ang maaring gamitin sa pagkatuto ng mga bata.

Bukod sa online learning, maari ring mapanood sa telebisyon ang mga lessons sa paaralan gamit ang DepEd TV.

Tulad ng ginagawa ng binatilyong natulungan ng vlogger, may mga ipinamamahaging learning modules para naman sa mga walang telebisyon at walang kakayahang magkaroon ng gadget at internet connection.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel