OFW lola, nainis dahil inaasa pa raw sa kanya ng anak ang pampabuhay sa kabit

OFW lola, nainis dahil inaasa pa raw sa kanya ng anak ang pampabuhay sa kabit

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang OFW na lola dahil gusto nitong bumalik ang anak niyang babae sa pamilya niya

- Ayon kay lola, ang perang pinapadala niya para sa anak niya ay napupunta lang sa ibang lalaki nito

- Dagdag pa ni lola, wala raw makain ang mga bata kaya sana ay bumalik na lang ang anak niya sa mga ito para may mag-alaga sa kanila

- Samantala, ayaw naman ng anak na balikan ang legal na asawa nito dahil hindi raw maganda ang trato sa kanya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang isang OFW na lola sa Riyadh sa programang Raffy Tulfo in Action dahil nais nitong bumalik ang anak niyang babae sa totoong asawa at apat na anak nito.

Nalaman ng KAMI na sumama na ang anak ni lola sa ibang lalaki at iniwan ang mga anak nito sa asawa niya.

OFW na nautusang maghulog ng pera, hindi parin nakakabalik sa kanyang employer
OFW lola, na-imbyerna dahil inaasa pa raw sa kanya ng anak niya ang pampabuhay sa kabit

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, nireklamo ni Lola Emma ang anak niyang si Jiemalyn dahil bukod sa iniwan na nito ang asawa at anak niya, ginagamit niya pa ang padalang pera para sa kabit niya.

Nag-aantay pa ‘yan ng padala ko. Mag-aano dun sa anak ko na manghingi sa akin ng pera. Kung mangabit sana, ‘yung kaya kang buhayin, hindi iaasa pati sa akin. Matanda na ako dito!” paliwanag ni Lola Emma.

Nagpapadala raw ng pera si lola kapag kasama ng mga bata si Jiemalyn dahil nalaman daw nitong wala silang makain. Pero, nalaman din ni lola na ang kabit ng anak niya ang nakikinabang dito.

“Hindi ko nga ‘yan mabigyan-bigyan ng pera kasi nga ibibigay niya ‘yan sa lalaki. Nagpapakahirap ako dito tapos lalaki lang ang makinabang?” sabi ni Lola Emma.

Naiintindihan naman daw ni Jiemalyn ang nanay niya pero ayaw na nitong bumalik sa asawa niya dahil hindi raw maganda ang trato nito sa kanya.

Lola, nagpapakahirap manglimos para sa asawa at online class ng apo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang misis naman ang humingi rin ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil may relasyon umano ang asawa nitong pulis kay barangay kapitana.

Subalit, itinatanggi naman ni mister na may namamagitan sa kanila nito. Pero, nalaman na lang ni misis na nabuntis umano ng pulis si kapitana.

Isang misis din ang inireklamo ang mister niya matapos umano nitong gawing kalaguyo ang kanyang sariling hipag.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel