Mayor Isko, ibinahagi ang kanyang HS picture na kinagigiliwan ngayon ng netizens

Mayor Isko, ibinahagi ang kanyang HS picture na kinagigiliwan ngayon ng netizens

- Viral ngayon ang high school picture ni Mayor Isko Moreno na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook page

- Natuwa ang mga netizens sa larawan na nagsisilbing ebidensya na talagang "Batang Maynila" ang alkalde ng nasabing lungsod

- Kapansin-pansin daw kasi ang kagwapuhan ng alkalde maging noong siya ay nasa high school pa lamang

- Nagbahagi rin ang mga netizens ng kani-kanilang mga high school pictures lalong lalo na ang mga taga-Maynila

Mayor Isko, ibinahagi ang kanyang HS picture na kinagigiliwan ngayon ng netizens

Mayor Isko Moreno (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Agaw eksena sa social media ang high school picture ni Mayor Isko Moreno Domagoso.

Nalaman ng KAMI na tila kumasa sa #HighSchoolLifePicChallenge ang alkalde kaya naman nagbahagi siya ng kanyang high school picture sa kanya mismong Facebook page.

"TBT mga Batang Maynila! Buhay Public High School.Meron ka rin ba picture ng mga classmates nyo? #HighSchoolLifePicChallenge," ang caption ng agaw pansin niyang larawan.

Dahil sa marami sila sa viral post, nawili ang mga netizens na hanapin sa litrato ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Subalit noon pa man, kapansin-pansin an daw ang kagwapuhan ni "Yorme Isko" na siyang dahilan kung bakit una rin siyang napasabak sa showbiz.

Ipinagmamalaki naman siya ng mga kababayan niya sa kanilang lungsod dahil ang larawan daw na ito ay isang ebidensya na talagang "Batang Maynila" ang kagalang-galang na alkalde ng nasabing lungsod.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Hello idol sobrang gwapo na masipag na ehemplo ng lungsod ng maynila more power and god bless and good health parati"

"Lutang ang kagwapuhan ni Yorme, swerte ng mga naging kklase nya. Great memories ng HS life"

"Yorme! Naikwento ka po ng teacher ko nung high school nung naging student ka nya. Nagpupulot or humihingi ka ng patapon na papel para gawing kalakal. Sobrang inspiring nun. now you reach on top and you deserve it. God bless you Mayor Isko Moreno Domagoso"

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

"Di mo akalain sa picture na yan ay isa sa nag-ayos at nagbalik ng Maynila para maging kapuri-puring lungsod sa Pilipinas"

"Simpleng post ng nakaupo pero ngaun ikaw p rin ang simpleng Mayor Isko Moreno Domagoso na hinahangaan ng taong bayan sa pag mamahal at pag papa unlad mo s Maynila"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mayor Isko Moreno Domagoso ay unang nakilala bilang isang aktor. Naninilbihan siya ngayon bilang ika-27 na alkalde ng Lungsod ng Maynila. Taong 2007 nang maging bise alkalde siya ng pumanaw na dating alkalde ng Maynila na si Alfredo Lim at taong 2013 sa pamumuno naman noon ni Mayor Joseph Estrada.

Isa siya sa mga hinahangaang lider sa bansa lalo na ngayong patuloy pa rin ang laban natin kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel