OFW na nautusang maghulog ng pera, hindi parin nakakabalik sa kanyang employer

OFW na nautusang maghulog ng pera, hindi parin nakakabalik sa kanyang employer

- Pinaghahanap na ang isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia dahil matapos na ito ay mautusang maghulog ng pera, hindi pa rin ito nakababalik sa bahay ng amo

- Labis na nag-aalala na ngayon ang kanyang pamilya lalo na at hindi rin daw nila maisip ang posibleng dahilan ng pagkawala nito

- Nasabing maliit lamang umanong halaga ang pinahuhulog dito kaya naman hindi nila maisip na maaring pera ang dahilan

- Maayos din daw ang pakikitungo nito sa ama at wala silang nababalitaang nakaalitan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na nautusan lang na maghulog ng pera, hindi parin nakakabalik sa kanyang employer

Ang nawawalang 26-anyos na OFW (Photo from John Lord Montefalcon's Facebook)
Source: Facebook

Isang 26-anyos na overseas Filipino worker ang hindi pa rin nakababalik sa tahanan ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nalaman ng KAMI na humingi na ng saklolo ang kapatid ng OFW na nakilalang si John Lord Montefalcon sa dahil labis na silang nag-aalala sa biglaang pagkawala nito.

GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya

Sa panayam ni Julius Babae ng TeleRadyo sa kay John Dave, kapatid ng nawawalang si John Lord, sinabi nitong napag-utusan lamang daw ito ng isa nilang kasama na maghulog ng pera.

Subalit mula nang araw na iyon, Oktubre 6, hindi pa ito bumabalik sa tahanan ng amo na isang royal family sa Riyadh.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang ina ng nawawalng OFW na isa ring overseas Filipino worker sa Abu Dhabi ay labis nang nag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak.

Kwento pa ng kapatid, maliit na halaga lamang daw ang pinahuhulog noon sa kapatid kaya naman hindi rin nila maisip na pera ang posibleng dahilan.

Ipinabatid na ng programa ni Babao kay Overseas (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac ang sitwasyon ni Montefalcon na ang nagsabing handa silang makipag-ugnayan sa kinauukulan sa Riyadh upang mahanap ang nawawalang OFW.

Magkapatid, naghihiraman ng CP para sa online class habang naglalako sa gilid ng mall

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, isa namang Pinay OFW ang masuwerteng nabiyayaan ng kanyang sikat na amo.

Dahil sa kabutihan at dedikasyon ng Pinay sa amo na isang kilalang vlogger, biniyayaan umano siya nito ng malaking halaga ng pera na magagamit daw nito pagpapa-aral ng bunsong anak sa kolehiyo o di kaya naman ay magagamit daw nito pag siya ay magreretiro na.

Kamakailan lamang, nabigyan ng British Empire Medal ang isang OFW sa United Kingdom dahil sa di matatawaran nitong serbisyo bilang isang frontliner.

Halos di makapaniwala ang ating kababayan na nabigyang parangal siya ni Queen Elizabeth II dahil sa pagiging nurse sa kanilang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel