Mister, sinasadyang mag-iwan ng pera sa pantalon para ganahang maglaba si misis

Mister, sinasadyang mag-iwan ng pera sa pantalon para ganahang maglaba si misis

- Muling nag-viral sa social media ang isang mister dahil sa kanyang kakaibang diskarte para kay misis

- Gumawa ng kakaibang paraan si mister para naman daw ganahan sa paglalaba ang asawa niya

- Aniya, sinasadya niyang mag-iwan ng pera para masurpresa ang misis niya at mas ganahan ito sa gawaing bahay

- Natuwa rin maging ang mga netizens sa naging diskarte at malasakit ni mister para sa asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang nag-viral sa social media ang diskarte ng isang mister para ganahan sa paglalaba ang asawa niya.

Nalaman ng KAMI na labis na naiintidhan ni mister ang hirap ni misis sa gawaing bahay.

Mister, sinasadyang mag-iwan ng pera sa pantalon para ganahang maglaba si misis

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ni Marvien Cascato, sinasadya niyang mag-iwan ng pera sa pantalon niya para raw ma-surprise ang asawa niya at ganahan ito maglaba.

Lola, nagpapakahirap manglimos para sa asawa at online class ng apo

“Hindi biro ang maglaba kaya dapat maisip niyo naman na tirahan niyo manlang nang kahit kunting pera sa bulsa niyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprise at makabili nang pang-snack,” paliwanag niya.

“Isipin niyo na sa bawat perang binilin niyo sa bulsa ay nakapagpapasaya kayo,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, natuwa naman ang mga netizens sa kakaibang diskarte ni mister para sa asawa niya. Tignan ang mga komento rito:

“BAIT MO NAMAN SANA ALL”
“Tama haha”
“Nakakatuwa maglaba kapag ganito.”
“Sana nga at sana all kakapagod maglaba sobra, lalagnatin ka pagkatapos”
"Swerte ko lng kung my mkuwa ko sa asawa ko nyan"
"All right.. Galing! Sana all"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nag-viral ang isang bride na niregaluhan umano ng P1 million cash ng groom sa kasal nila.

Maraming mga netizens ang napa-“sana all” at nalula sa kakaibang regalo ng groom sa kanyang bride.

Samantala, nag-viral din ang isang misis matapos naman niyang lagyan ng family picture ang motor ng mister niya para hindi na raw ito mambabae.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel