Mga winners ng Miss Philippines 2019, pina-Tulfo ang presidente ng organisasyon

Mga winners ng Miss Philippines 2019, pina-Tulfo ang presidente ng organisasyon

- Humingi ng tulong ang mga winners ng Miss Philippines 2019 para ireklamo ang presidente ng Miss Philippines Foundation Inc.

- Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang mga beauty queen dahil mag-iisang taon na pero hindi pa umano nila nakukuha ang premyo nila

- Paliwanag ng secretary ng presidente, maging sila ay hindi na rin ma-contact ito at tuluyan na nga raw tumakas

- Kaya naman, magsasampa ng kaso laban sa presidente ng Miss Philippines Foundation na si Victor Torre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programang Idol in Action ang mga beauty queens na nanalo sa Miss Philippines 2019.

Nalaman ng KAMI na nais ireklamo ng mga winners sa nasabing pageant ang presidente ng Miss Philippines Foundation Inc. na si Victor Torre.

Mga winners ng Miss Philippines 2019, pina-Tulfo ang presidente ng organisasyon

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng 'Raffy Tulfo in Action', halos mag-iisang taon na raw pero hindi pa rin nabibigay ang premyo sa mga pageant winners.

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Nauna na raw sinabi sa kanila na makukuha nila ang libu-libong cash prize dalawang buwan pagkatapos ng pageant.

Subalit, noong nagka-meeting daw sila ay kalahati lang ang binigay sa kanila at ang natitira ay ibibigay pagkatapos ng anim na buwan. Tumalbog din umano ang unang cheke na binigay sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngayon, sabi ng secretary ni Victor, maging sila ay hindi na raw mahagilap ito. Aniya, hindi na rin siya nasasahuran pero pumapasok pa rin ito.

Kaya naman, desidido ang mga beauty queens na magsampa ng kaso laban sa presidente ng Miss Philippines Foundation upang mapanagutan nito ang hindi pagbibigay ng premyo sa kanila.

Alamin ang buong kwento rito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Ang Miss Philippines ay isang national pageant na pinangungunahan ni Victor Torre. Ang mga mananalong beauty queen ay bibigyan ng cash prize, corona, modeling contract, at maaari rin silang isabak sa mga international pageants.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ang mga crew naman sa restaurant ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup ay humingi rin ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo.

Samantala, si Shamcey naman ang itinalaga bilang National Director para sa Miss Universe Philippines Organization.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel