Vlogger, natulungan ang staff na Fil-Am na di niya akalaing labis na naghihirap

Vlogger, natulungan ang staff na Fil-Am na di niya akalaing labis na naghihirap

- Natulungan ng vlogger na si "The Hungry Syrian Wanderer" ang kanyang empleyado na hindi niya akalaing labis na naghihikahos sa buhay

- Trainee pa lamang ito subalit marami nang naririnig ang vlogger patungkol sa katayuan sa buhay ng bagong empleyado

- Nang makita ng vlogger ang kalagayan ng 'Fil-Am' na empleyado, hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito

- Hindi naman naiwasan ng empleyado na maluha sa saya dahil sa di inaasahang tulong na mula sa kanyang napakabait na amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Vlogger, natulungan ang empleyado niyang Fil-Am na di niya akalaing naghihikahos sa buhay

Si Mike (Photo from The Hungry Syrian Wanderer Facebook)
Source: Facebook

Isang Filipino-American na lalaki ang natulungan ng kanyang amo na magkaroon ng maayos na trabaho nang makita nito ang kanyang tunay na kalagayan.

Nalaman ng KAMI na ang amo ng Fil-Am ay ang kilalang vlogger na si Basel Manadil o mas kilala sa tawag na "The Hungry Syrian Wanderer."

Makaganda, nagsangla ng mga alahas na bigay ni Makagwapo dahil wala na raw siyang pera

Kwento ni Basel, nalaman niya sa mga staff niya sa kanyang diner na ang Fil-Am trainee nila na si "Mike" at nakatira raw sa bukid.

Ito raw ang dahilan kung bakit madalas na pumapasok ito na puro putik ang sapatos.

Dahil dito, sinadya mismo ni Basel ang tahanan ni Mike at para na rin ihatid sa kanya ang magandang balita.

Aminadong hindi raw makapaniwala si Basel sa kalagayan ng pamilya ni Mike.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakatira lamang ito sa isang barong-barong sa Imus, Cavite at talagang putikan, talahiban at bukid nga ang daraanan matunton lamang ang bahay nito.

Naikwento pa ng ina na minsan nang na-holdap si Mike nang papauwi ito sa kanilang bahay na mayroong kalayuan.

Nang makita mismo ni Basel ang sitwasyon ni Mike, sinabi na niya ang magandang balita na permanente na siyang empleyado ng kanilang diner.

Lorita Cadena sa mga nakarinig daw ng boses ni Lloyd sa bagong vlog: "Ipagdasal niyo na lang siya"

Hindi lamang ito, binigyan pa niya ng paunang ayuda ang empleyado upang ganahan itong magtrabaho at bilang tulong na rin ng vlogger sa pamilya ni Mike.

Hahanapan na rin daw ni Basel ang bago niyang staff ng matitirhan na malapit sa kanyang trabaho upang hindi na ito mahirapan sa pagpasok at pag-uwi.

Hindi naiwasang maluha ni Mike na labis na nagpapasalamat sa napakabait na boss.

Narito ang kabuoan ng video mula sa YouTub channel ni 'The Hungry Syrian Wanderer':

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay natulungan niya ang isang ice cream vendor na putol ang isang binti ngunit matiyaga pa ring naglalako.

Nadaanan lamang niya ito ngunit hindi siya nagdalawang isip na mag-abot ng tulong dito upang maibsan ang hirap na dinaranas.

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay sikat na vlogger sa ating bansa.

69-anyos na nakatira na lamang sa jeep, naiyak sa biyayang matatanggap mula kay Raffy Tulfo

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel