Lola, nagpapakahirap manglimos para sa asawa at online class ng apo

Lola, nagpapakahirap manglimos para sa asawa at online class ng apo

- Isang lola ang nagpapakahirap na mamalimos sa kalsada para lang sa kanyang pamilya

- Kwento ng netizen, nanglilimos si lola para sa asawa niyang mahina na rin at nag-iipon ito para sa online class ng apo niya

- Kaya naman, ibinahagi ng netizen ang kwento ni lola upang mas dumami pa ang makatulong sa kanya

- Nagtulong-tulong din ang mga netizens na i-tag ang programang 'Raffy Tulfo in Action' upang magbakasakali na matulungan nila si lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang nakakaantig na karanasan nang makita ang isang lola na nanglilimos sa may Monumento, Caloocan.

Nalaman ng KAMI na sa tindi ng hirap, nanglilimos na lang si lola para sa asawa at apo niya.

Lola, nagpapakahirap manglimos para sa asawa at online class ng apo

Online class (Photo frm Getty Images)
Source: Getty Images

Kwento ng netizen na si Jhonroe Tu Cabildo sa Facebook, agad pumukaw ng atensyon niya si lola na nagugutom na habang ito ay nanglilimos sa kalsada.

Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

Aniya, iilan lang daw na tao ang pumapansin kay lola kaya hindi niya natiis na hindi lapitan ito.

Ayon sa netizen, kinuwento raw ni lola na nanglilimos siya para sa asawa niyang mahina na at nag-iipon din daw siya para sa online class ng apo niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman, naisip ng netizen na mag-post sa Facebook upang mas marami pang tumulong kay lola at baka sakaling mapansin din ito ng programang Raffy Tulfo in Action.

Nagtulong-tulong din ang mga netizens na i-tag o i-mention ang Raffy Tulfo in Action sa post para mas lumaki ang posibilidad na mapansin ito ng programa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, mas tumitindi nga ang kahirapan sa bansa dahil marami rin ang nawalan ng trabaho at nagsimula na ang mga online class.

Jennifer Emnace, nakita na sa wakas ang kanyang asawang si Nomer Emnace

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lolo naman sa Caloocan City din ang nakita ng isang netizen na naghahanapbuhay pa rin kahit may edad na at delikado sa labas.

Samantala, isang estudyante naman ang nag-viral matapos makita ng netizen na nago-online class ito habang nagtitinda ng face shield.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel