‘It Really Hurts’ challenge ng mga taga-LTO, hindi ikinatuwa ng PCW

‘It Really Hurts’ challenge ng mga taga-LTO, hindi ikinatuwa ng PCW

- Naglabas ng sariling version ng kanilang “It Really Hurts” challenge ang ilang empleyado ng LTO Region III

- Ang video nga ay naglalayong magbigay kaalaman sa mga violations at penalties para sa mga motorista

- Subalit, hindi naman ikinatuwa ng Philippine Commission on Women ang nasabing video na ito

- Paliwanag ng DOTr, hindi opisyal na campaign video ito at ginawa lamang ng mga taong nagboluntaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang “It Really Hurts” challenge sa TikTok na ginawa ng mga empleyado sa Land Transportation Office (LTO) Region III.

Subalit, nalaman ng KAMI na hindi naman natuwa ang Philippine Commission on Women sa video na ito.

‘It Really Hurts’ challenge ng mga taga-LTO, hindi ikinatuwa ng PCW

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Sa Facebook video, makikita ngang sumabak sa sikat na “It Really Hurts” challenge ang mga babaeng nagtatrabaho sa LTO.

Lyca Gairanod, pinagdiwang ang pagkakaroon ng 1 milyong subscribers sa YouTube

Ang video ay ginamit upang magbigay kaalaman sa mga violations at multa para sa mga motorista.

Sa ulat ng GMA News Online (isinulat ni Joviland Rita), tila hindi naman ikinatuwa ng PCW ang video ng LTO Region III. Ayon sa kanila, kulang daw sa “gender sensitivity” ang video na ito dahil sa pagkakalarawan ng mga kababaihan dito.

“There are better and more effective ways to express the message other than having people, presumably their employees, perform gyrating dance moves that are totally irrelevant to the message that they want to convey,” pahayag ng PCW.

Base naman sa ulat ng Philippine Lifestyle (isinulat ni Margret Fermin), sinabi naman ng PCW na dapat ang mga ahensya ay magbigay ng karagdagang kamalayan sa publiko tungkol sa tungkulin at dignidad ng mga kababaihan.

Paliwanag naman ni Department of Transportation (DOTr) Asec. Goddes Hope Libiran, hindi opisyal na campaign video ng LTO ang nasabing video at gawa lang ito ng grupo na nagboluntaryo.

Netizen, aliw na aliw sa todo bigay na pagti-TikTok ng security guard

“The content was neither posted on official social media platforms of the LTO nor the DOTr,” aniya.

“The act was not initiated by the agency, but was made voluntarily by a group of well-meaning women who wanted to help promote the campaigns of their agency,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang TikTok ay isang video sharing app na sikat sa Pilipinas. Maging ang mga artista at mga opisyal ng gobyerno ay gumagamit nito.

Noong nagsimula ang outbreak ng COVID-19 sa bansa, gumawa rin ng TikTok video ang Department of Health upang magbigay ng tips kontra coronavirus.

Samantala, maging si Presidential Spokesperson Harry Roque ay may mga dance videos din sa TikTok.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel