Lorita Cadena sa mga nakarinig daw ng boses ni Lloyd sa bagong vlog: "Ipagdasal niyo na lang siya"

Lorita Cadena sa mga nakarinig daw ng boses ni Lloyd sa bagong vlog: "Ipagdasal niyo na lang siya"

- Naglabas na nag pahayag si Lorita Cadena aka "Mother Kween" patungkol sa mga sinasabing narinig umano nila ang boses ng yumaong vlogger sa vlog ng ina

- Sinabi niyang ipagdasal na lamang ang kanyang anak na sana ay nasa mabuting kalagayan na ito

- Nakiusap din siyang huwag nang i-edit pa ang naturang video dahil ang ibang naglalabasan at ipinakakalat ay hindi na raw orihinal

- Patuloy pa rin siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang pamilya hanggang ngayon at umaasa siyang makikita ang mga ito matapos ang pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lorita Cadena sa mga nakarinig daw ng boses ni Lloyd sa bagong vlog: "Ipagdasal niyo na lang siya"

Lorita Cadena (Photo from Mother Kween's Facebook)
Source: Facebook

Muling naglabas ng bagong vlog ang ina ni Lloyd Cadena na si Lorita Cadena o mas kilala bilang si "Mother Kween."

Nalaman ng KAMI na ika-40 na araw na pala mula nang mamatay ang vlogger na kilala rin bilang si "Kween LC."

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Sa bagong vlog na inilabas ni "Mother Kween nitong Oktubre 13, naikwento niya ang mga ginawa nilang padasal at kaunting salo-salo sa "40 days" ng komedyanteng vlogger.

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa kanila para sa araw na ito at kabilang doon ang kapwa nilang vlogger na si Ivana Alawi.

Nabanggit din ni Mother Kween ang kanyang reaksyon ukol sa mga nagsasabing narinig daw nila ang boses ni Lloyd na nagsalita sa "Q&A" vlog ng ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinabi ni Mother Kween na kung sakaling narinig man nga ng iba ang boses ni Lloyd ay ipagdasal na lamang ito na sana ay nasa mabuting kalagayan na siya.

Nakiusap din ang ina ni Kween LC na huwag naman ding i-edit pa ang orihinal niyang vlog para lamang mapag-usapan o mapagkakitaan.

Samantala, pinasalamatan din niya ang mga fans ni Lloyd na tinatawag na "Cadenators" na patuloy na sumusuporta sa yumao nilang idolo at umaasa si Mother Kween na makikilala niya ang mga ito matapos ang pandemya.

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nasagot na ang maraming mga katanungan ng publiko tungkol sa pagpanaw ng YouTube star na si Lloyd Cadena sa pamamagitan ng vlog ng kanyang ina.

Nabanggit ni Mother Kween ang mangyayari sa YouTube channel ni Lloyd at ang tungkol sa bagong bahay na kabibili pa lamang ng kanyang pumanaw na anak para sa kanilang pamilya.

Si Lloyd Cadena ang isa sa mga kauna-unahang Pinoy na sumabak sa vlogging sa bansa. Kilala siya sa pagiging komedyante at hinangaan naman siya sa pagiging matulungin sa kapwa maging hanggang sa huling mga araw niya sa mundo bago siya sumakabilang buhay noong Setyembre 4.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel