Sam Smith, nais maka-duet ang Pinoy blind singer na umawit ng kanyang kanta sa isang mall

Sam Smith, nais maka-duet ang Pinoy blind singer na umawit ng kanyang kanta sa isang mall

- Nais na maka-duet ng multi-awarded singer na si Sam Smith ang blind singer na si Carl Malone Montecido

- Minsan nang nag-viral ang video ni Montecido na kumakanta ng awitin ni Smith na "Too Good at Goodbyes nitong Pebrero

- Naibahagi pa ito ni Sam sa kanyang Twitter at labis ang pagpuri at paghanga nito sa Pinoy singer

-Si Carl Malone Montecido ay minsan nang naging kalahok ng Tawag ng Tanghalan segment ng 'It's Showtime' at ng 'The Clash' ng GMA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sam Smith, nais maka-duet ang viral blind singer na umawit ng kanyang kanta sa isang mall

Sam Smith (Photo from Flickr)
Source: UGC

Hayagang sinabi ng multi-awarded singer-songwriter na si Sam Smith na nais niyang maka-duet ang blind singer na si Carl Malone Montecido.

Nalaman ng KAMI na si Montecido ay ang blind singer na nag-viral sa isang mall noong Pebrero ng kasalukuyang taon matapos nitong kantahin ang awitin ni Sam na "Too Good at Goodbyes."

Bayaning Nars Award, iginawad sa viral nurse na nagpaanak sa kalsada

Sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras sa international singer, nabanggit nitong kung mabibigyan ng pagkakataon at nais niyang maka-duet ang Pinoy singer.

“Yes, yes, yes. It will be an absolute honor to sing with him,” excited na pahayag ng singer na kumanta rin ng "Stay with Me"

Aniya, mahusay na mang-aawit si Carl at tila "matatakot" pa raw umano siyang makisabay dito.

“He is incredible. He is a better singer than I am. I’ll be so scared singing with him. He’s unbelievable,” dagdag pa ni Sam.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang minsan na niyang naibahagi sa kanyang Twitter ang viral video ni Montecido at noon pa man ay pinuri na niya ang ating kababayan.

Si Sam Smith ay isang ay isang English singer at songwriter na siyang nasa likod ng mga awiting "Lay Me Down", “How Do You Sleep,” “Latch”, at marami pang iba.

Assunta de Rossi, hindi maitago ang excitement na masilayan ang kanyang miracle baby

Marami na rin siyang mga natanggap na awards at ilan sa mga ito ay mula sa Academy Awards, American Music Awards, BIllboard, Golden Globe at Grammy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, si Carl Montecido ay minsan nang naging kalahok sa 'Tawag ng Tanghalan' ng 'It's Showtime.'

Matapos ding mag-viral ng video ni Carl, naimbitahan siya ni Ellen DeGeneres sa kanyang talk show.

Minsan na rin siyang nasangkot sa kontrobersiya matapos niyang maisiwalat na hindi niya agad natanggap ang kanyang premyo mula sa 'It's Showtime.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel