'Makaganda', sinabing bumalik na si 'Makagwapo' subalit bigla ulit itong nawala

'Makaganda', sinabing bumalik na si 'Makagwapo' subalit bigla ulit itong nawala

- Sa part 3 ng episode ng 'Wanted sa Radyo' patungkol sa reklamo ni Caffey "Makaganda" Namindang sa kasintahang si Christian Merck 'Makagwapo' Grey

- Nakiusap daw ito sa kanya na ayaw niyang magpa-interview sa program at ibibigay na lamang niya ang lahat-lahat na hinihingi ng dating nobya

- Subalit pagbalik daw ni 'Makaganda', nakaalis na muli si 'Makagwapo' dala ang cellphone niyang naiwan sa kanilang bahay

- Desidido na lalong magsampa ng kaso ni 'Makaganda' laban sa nobyo na hindi raw siya binabahaginan ng kanilang kita sa pagiging YouTube stars

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Makaganda', sinabing bumalik na si 'Makagwapo' subalit bigla ulit itong nawala

"Makaganda" (Photo from Caffey Namindang's Facebook)
Source: Facebook

Nagbigay ng update si Caffey "Makaganda" Namindang patungkol sa dati niyang nobyo at ngayo'y inirereklamo na sa programa ni Raffy Tulfo na si Christian Merck 'Makagwapo' Grey.

Nalaman ng KAMI na bumalik daw sa bahay nila ni Caffey si Merck at nakiusap sa dating nobya na ayaw nitong magpa-interview sa 'Wanted sa Radyo.'

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Nasabi rin daw ni Merck na handa raw nitong ibigay ang lahat-lahat ng hinihingi ni Caffey.

Ayaw na sana pang maniwala ni 'Makaganda' subalit nagbanta si 'Makagwapo' na sasaktan daw nito ang kanyang sarili.

Subalit nang bumalik si 'Makaganda' sa kanilang tirahan, wala na naman daw si 'Makagwapo' at dala na nito ang cellphone.

Matatandaang sa mga naunang bahagi ng panayam ng 'Wanted sa Radyo' kay Caffey ay nabanggit nitong naiwan ni Merck ang cellphone kaya naman di ito makontak ng nasabing programa.

Dahil dito, mas lalong naging desidido at lalong nabuo ang loob ni Caffey na kasuhan ang dating nobyo at makuha ang nararapat lamang na bahagi niya sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang vloggers.

Sa kinikita na raw kasi nilang milyon o mababa na ang P500,000 sa kanilang mga vlogs, ni minsan daw ay hindi man lang siya nakahawak ng P20,000 sa kita na dapat ay pinaghahatian nila.

Paghaharap nina 'Makaganda' at 'Makagwapo' sa Tulfo, viral na

Samantala, violence against woman and children o VAWC ang maaring maikaso ni Makaganda sa dating nobyo ayon kay Atty. Garreth Tungol, ang abogado sa programa ni Tulfo.

Malinaw kasing pawang mga kabastusan ang laman ng vlogs ng dalawa at ibinunyag pa umano ni Caffey na napipilitan lamang daw umano siyang gawin ito dahil nagagalit si Merck sa kanya kung tatanggi siya.

Maging si Tulfo na ang nagsabing hindi na dapat pang pagkatiwalaan ni Caffey si Merck sa mga ginawa nito sa pagkatao ng dating kasintahan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang episode ng 'Wanted sa Radyo' patungkol sa reklamo na ito ni Caffey kay Merck, nasabi na maging ang mga magulang ni 'Makaganda' ay magsasampa umano ng kaso kay Makagwapo.

Kwento ng tagumpay ng magkasintahang vlogger, nagsilbing inspirasyon sa netizens

Patunay lamang ito na hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang mga natutulungan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa kundi maging ang mga kilalang personalidad sa kani-kanilang larangan.

Naging takbuhan na ng mga naaapi ang programa ni Tulfo dahil sa agarang aksyon na kanyang ginagawa sa mga sumbong sa kanya ng ating mga kababayang naaagrabyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel