69-anyos na nakatira na lamang sa jeep, naiyak sa biyayang matatanggap mula kay Raffy Tulfo

69-anyos na nakatira na lamang sa jeep, naiyak sa biyayang matatanggap mula kay Raffy Tulfo

- Napaiyak ang 69-anyos na nakatira lamang sa isang jeep na matutulungan ni Raffy Tulfo

- Isang concerned citizen ang dumulog sa programa ni Tulfo upang matulungan ang matanda na kasama pa ng anak nitong may sakit

- Nagkusa na raw kasing umalis ang mag-ina sa tinitirahan dahil sa wala na umano silang maibayad

- Sa loob ng isang buwan, nabuhay ang mag-ina sa mga tulong na ibinibigay sa kanila ng mga may mabubuting kalooban

- Bukod sa matitirahang bahay, bibigyan din ni Tulfo ng pangkabuhayan ang matanda na nahihirapan na umano sa pangangalakal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

69-anyos na nakatira na lamang sa jeep, naiyak sa biyayang matatanggap mula kay Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isang 69-anyos na ina ang nakatira na lamang sa jeep dahil kusa na umano itong umalis sa dating tinitirhan at wala na silang maipambayad.

Nalaman ng KAMI na dumulog na ang concerned citizen na si Apple Magbutay sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' upang maihingi na ng tulong ang matandang si Julieta Garzula at anak nitong 34-anyos na mayroon pang sakit.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Kwento ni Apple nakita raw niya si Nanay Julieta na may dalang mga kalakal na hindi na raw umano maibenta.

Nang makita pa niya ang kalagayan ng mag-ina, lalong nadurog ang kanyang puso kaya naman ginawan na niya ito ng paraan para matulungan.

Ayon naman kay Nanay Julieta, isang buwan na silang nasa jeep na pasamantalang pinatirhan sa kanila ng mabait na may-ari nito.

Pangangalakal na lamang ang kanilang ikinabubuhay lalo na at siya lamang ang humahanap ng paraan para may kainin silang mag-ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Subalit maski raw sa halagang dalawang piso, hindi mabili ang kanyang kalakal.

Nairaraos lamang daw nila ang araw-araw dahil sa mga taong may mabubuting puso na nagmamalasakit na bigyan sila ng makakain at nauunawaan ang kanilang kalagayan.

Dahil dito, agad na sinabi ni Tulfo na pahahanapan niya ng bahay si Nanay Julieta at anak nito.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Sinabi niyang babayaran na niya ang isang taong renta ng mahaahnap na bahay upang di na mamroblema pa si Nanay Julieta.

Bukod pa rito, bibigyan niya ito ng sari-sari store upang may pagkakitaan ang mag-ina at hindi na ito mangalakal pa.

Habang nagpapasalamat sa mga matatanggap na biyaya, di napigilang mapahagulhol sa pag-iyak ni Nanay Julieta na tila di makapaniwala sa tulong sa kanya ni Tulfo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa 'Raffy Tulfo in Action':

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, nabigyan din ng tulong ni Raffy Tulfo ang isang taho vendor na pasan din ang anak habang naglalako.

Binigyan niya ito ng pangkabuhayan kung saan hindi na nito papasanin ang anak sa pagtitinda.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor ng bansa. Mas lalo siyang nakilala dahil sa agaran niyang pag-aksyon sa mga sumbong na kanayng natatanggap sa programang Raffy Tulfo in Action. Mapa-ordinaryong mamamayan o sikat at kilalang personalidad ay natutulungan ng kanilang "Idol Raffy."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel