Ina, di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

Ina, di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

- Isang ginang ang di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

- Orihinal na naka-schedule ang kanyang exam noong ika-28 linggo pa lamang niya ng pagbubuntis subalit dahil sa pandemya, naging Oktubre na ito kung kailan kabuwanan na niya

- Tinapos pa niya ang Day 2 ng kanyang eksaminasyon bago nadala sa ospital kung saan siya napaanak

- Kinabukasan, pinahintulutan siyang tapusin ang kanyang exams sa ospital kasama na ng kanyang bagong silang na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina, di inaasahang napaanak sa kalagitnaan ng kanyang bar exam

Photo from PxHere
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang ginang na si Brianna Hill mula Chicago, Illinois na napaanak habang siya examination room para sa kanyang bar exam.

Ayon sa ulat ni Lauren M. Johnson ng CNN News, orihinal na naka-schedule ang bar exam sa ika-28 na linggo ng pagbubuntis ni Brianna. Subalit dahil sa pandemya, naurong ito kaya naman inabot na sa kanyang kabuwanan.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Nalaman ng KAMI na nagawa pang magbiro noon ni Brianna at sinabing baka mag-exam na siya sa ospital.

Kwento pa ng ginang sa ABC NEws, unang baby niya ito kaya naman hindi rin niya talaga alam pa kung ano ang kanyang nararamdaman.

Sinubukan niyang magpaalam subalit maari raw siyang masabihang 'nandaraya' kung umalis siya sa silid na mayroong camera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kaya naman tinapos pa niya ang Day 1 ng kanyang examinations at agad na dumiretso sa ospital.

Ilang oras lang ang lumipas at nakapanganak na nga si Brianna.

Sa panayam ng NBC News sa bagong mommy, sinabi nitong masuwerte siyang pinagbigyan at pinahintulutang tapusin ang day 2 ng kanyang exam sa ospital.

Suportado naman siya ng mga medical staff na naglaan pa talaga ng kwarto para sa kanya na mayroong nakalagay na "do not disturb" upang maayos niyang matapos ang exam kasama ang kanyang baby.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Narito ang video mula sa Eyewitness News ABC7NY:

Sa Pilipinas, isang midwife din ang napaanak habang siya ay nagsasagot ng kanyang board examination.

Laking pasalamat niya sa Review center na sinundo pa talaga siya para lamang matapos ang kanyang eksaminasyon.

Ang magandang balita pa rito, nakapasa siya at nagmistulang "lucky charm" sa kanya ang kanyang baby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel