Alessandra de Rossi, namili ng gamit para sa kanyang pamangkin

Alessandra de Rossi, namili ng gamit para sa kanyang pamangkin

- Hindi maitago ni Alessandra de Rossi ang kanyang excitement para sa kanyang pamangkin

- Ipinamili niya ng damit ang kanyang pamangkin na kasalukuyang pinagbubuntis ng kanyang ateng si Assunta de Rossi

- Marami ang natuwa sa pagdadalang-tao ni Assunta dahil maituturing na umano itong himala dahil sa kanyang edad

- Kasalukuyang nasa ika-walong buwan ang pagbubuntis ng dating aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Alessandra de Rossi na pinamili niya ng damit ang kanyang pamangkin na panganay ng kanyang kapatid na si Assunta de Rossi.

Sa kanyang Instagram post, makikita na tinitingnan ni Assunta ang ilang mga damit na kanya umanong pinamili para sa pamangkin.

"Naloka sya sa mga binili ko para sa pamangkin ko. And yes! Na ready ko pati red velvet para sa pasko! ❤️ Thanks for bwisiting me again," ani Alex sa caption ng kanyang Instagram post.

Viy Cortez, natupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng sariling bahay

Marami naman ang natuwa sa pagiging excited ni Alessandra sa kanyang pamangking babae.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Saya niyan.. gosh es! Mababaliw ka sa pamangkin mo pag nakita mo na lalo
Madam, papunta ka na sa parang ikaw yung mommy sa pagiging excited and ready at the same time.
Naku . . Nafeel ko din to dati . . Mas super excited pa kaysa momi . . SuperTita
Praying for your safe delivery and healthy baby, Ate @assuntaledesma

Kasalukuyang nasa ika-walong buwan na ngpagdadalang-tao si Assunta sa panganay nila ng asawang si Jules Ledesma.

Tinuturing nilang miracle baby ang kanyang ipinagbubuntis dahil sa tagal ng kanilang pag-hihintay na mabuntis siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid
Alessandra de Rossi, namili ng gamit para sa kanyang pamangkin

Alessandra de Rossi (Photo: Wikimedia Commons)
Source: UGC

Si Alessandra de Rossi ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang mga pelikula kagaya ng Azucena, Kita Kita at kamakailan ay ang trending na Through Night and Day.

Inamin ng aktres na kahit naging maganda ang kinalabasan ng pelikulang Through Night and Day, hindi umano si Paolo Contis ang kanyang first choice na makatambal niya.

Kamakailan ay umingay din ang kanyang pangalan matapos siyang intrigahin ng ilang netizens kaugnay sa pagkakaibigan nila ni Angel Locsin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel