Maja Salvador, aminadong binebenta ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang mga ex

Maja Salvador, aminadong binebenta ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang mga ex

- Ibinunyag ni Maja Salvador na hindi niya itinatago ang mga regalong kanyang natanggap mula sa kanyang mga ex-boyfriend

- Maging ang ang regalo mula kasalukuyang boyfriend na si Rambo Nuñez ay kanyang binenta nang magkahiwalay sila

- Ayon sa aktres, ayaw niya ng mga memories kaya niya binebenta ang mga regalo mula sa mga dating nakarelasyon

- Gayunpaman, napupunta umano sa charity ang bahagi ng kanyang napagbentahan sa mga reglong binenta niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Aminado si Maja Salvador na binenta niya ang regalong desktop na mula sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Rambo Nuñez nang magkahiwalay sila noon.

“Binenta ko.”

Sa isang panayam sa magkasintahan sa bagong episode ng “Star Lounge” ng Star Magic, ibinahagi ng dalawa ang naging karanasan nila noong bago sila nagkahiwalay.

“I think may table siya na iniisip niya kung ano ang ilalagay. Parang it was supposed to be either a study table or parang kung saan siya magbabasa, mag-aayos. So it was an empty table kaya ko naisip na ‘yun ‘yung ilagay du’n,” ani Rambo na nagpapaliwanag kung bakit niya naisipang regaluhan ng desktop si Maja.

GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya
Maja Salvador, aminadong binebenta ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang mga ex

Maja Salvador (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Paliwanag ni Maja, kadalasan niyang ibenebenta ang mga ibinibigay sa kanya ng kanyang mga nagiging ex-boyfriend dahil ayaw niyang balikan ang mga alaala na mayroon siya sa kanila.

Gayunpaman, nilinaw ng aktres na napupunta ang mga pinagbebentahan niya sa mga charitable organizations.

Bagama’t hindi sila nag-usap noong mga panahong hiwalay sila, aminado naman sina Maja at Rambo na hindi nawala ang communication nila sa kani-kaniyang pamilya. Matatandaang nagkabalikan sila noong 2019.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer, recording artist at product endorser. Sumikat siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw. Sa katunayan binansagan siyang Queen of the dance floor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala, dahil sa kanyang pagtatrabaho, aminado si Maja na wala siyang degree na nakuha mul sa pag-aaral ngunit proud siyang napag-aral ang kanyang mga kapatid.

Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasa-kasama ni Christian Merck

Matatandaang naglabas din ng saloobin ang aktres hinggil sa mga taong hindi pumapabor sa pagbibigay ng prangkisa sa kanyang home network na ABS-CBN o Kapamilya network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel