Jennifer Emnace, nakita na sa wakas ang kanyang asawang si Nomer Emnace

Jennifer Emnace, nakita na sa wakas ang kanyang asawang si Nomer Emnace

- Nagkita na sa wakas sina Jennifer Emnace at asawa nitong si Nomer Emnace

- Base sa social media post ng ginang, hindi ang nag-trending na Mr. Palaboy sa Leyte ang kanyang asawa

- Natagpuan niya ang kanyang mister sa isang bahagi ng Batangas at kasalukuyan na umano silang magkasama ngayon

- Marami ang natuwa para sa misis na nawalay sa asawa niya sa loob ng mahigit sampung taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkita na sa wakas sina Jennifer Emnace at Nomer Emnace. Gayunpaman, taliwas sa naunang mga balita, hindi ang lalaking natagpuan sa Southern Leyte ang kanyang asawa kundi ang palaboy na nasa Batangas.

Hindi man iyon ang asawa ni Jennifer, marami ang natuwa na nagkita parin sila ng kanyang mister.

Matatandaang nagsimula ang lahat nang ibahagi ng isang netizen ang litrato ng isang lalaking diumano'y napadpad sa kanilang lugar.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang kagustuhang matulungan ang lalaki na makabalik sa pamilya nito, ibinahagi ng Facebook user na si Liza Corporal ang litrato nito. Nakarating naman kay Nenen ang nasabing balita matapos ipasa ng kanyang kakilala ang litrato ng lalaki.

Nasaksihan umano ni Corporal ang muling pag-uusap nina Nenen at ng lalaki.

Jennifer Emnace, nakita na sa wakas ang kanyang asawang si Nomer Emnace

Photo from Liza Corporal/Facebook
Source: Facebook

Sa karagdagang mga litratong ibinahagi ni Jennifer, marami ang nakumbinsing malaki ang posibilidad na ito nga ang nawawala nitong asawa dahil s malaking pagkakahawig umano nila.

Apat na taon nang nananatili sa dalampasigan sa Quilat Kimy San Francisco, Southern Ĺeyte ang nasabing lalaki.

Sa kasalukuyan, hindi pa sigurado naipapalabas ang resulta ng ginawang DNA test ngunit dahil sa mga social media posts na ibinahagi ni Jennifer, hindi ang lalaki sa Leyte ang kanyang hinahanap na asawa.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila ng hirap ng buhay, marami pa rin sa mga Pinoy ang mas pinipiling tumulong lalo na sa mga nangangailangan kagaya na lamang ng mga taong walang tirahan at palaboy sa lansangan.

Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada. Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site.

Napag-alaman din na late na pala noon ng isang oras ang nurse sa kanyang trabaho at tila itinadhana na siya ay mapadaan sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel