Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu, kumasa sa ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge

Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu, kumasa sa ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge

- Isang panibagong AngBeKi video ang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel

- Ang AngBeKi ay binubuo ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu

- Kumasa ang tatlo sa usong-usong Totropahin o Jojowain Challenge habang nasa bakasyon silang tatlo

- Matatandaang nagbakasyon sila upang ipagdiwang ang ikatlong taong anibersaryo ng kanilang pagkakaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Puno ng hagikhikan at kulitan ang panibagong video na ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel kung saan kasama niya ang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.

Kilala sa tawag na AngBeKi ang kanilang grupo na nagmula sa kanilang pinagsama-samang pangalan.

Sa isang bagong vlog, sinubukan ng magkakaibiganang “Jojowain o Totropahin” Challenge.

Ilan sa mga choices na pinagpilian nila ay ang sikat na football player na si David Beckham, Hollywood actor na si Ryan Gosling, at South Korean actors na sina Lee Min-ho, Kim Soo-hyun, Park Bo-gum at Hyun-bin.

Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasa-kasama ni Christian Merck

Samantala, sina Joshua Garcia, Enrique Gil, Zanjoe Marudo, Jericho Rosales, Paulo Avelino, John Lloyd Cruz, at Dingdong Dantes ang ilan sa pinagpilian nilang local stars. Ani Angelica papasa sa kanya bilang jowa si Enrique Gil.

Pabiro din siyang tinanong kung totropahin ba o jojowain niya si John Lloyd Cruz. Kwelang sumagot si Angge na sana magparamdam ang dati niyang ex-boyfriend.

“Ba’t nasan ba siya ngayon? Nahanap na ba siya?Kung nahanap ka na, baka pwede namang magparamdam ka at magpaalam ka one last time," ani Angelica.

Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu, kumasa sa ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge

Photo from Angelica Panganiban's Instagram account
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang muran edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Camille Trinidad, emosyonal na kinuwento ang dinanas na pambu-bully

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala naging prangka ang aktres nang tanungin tungkol sa posibilidad ng paglipat sa ibang TV network ngayong nakasarado ang ABS-CBN. Kasunod ng tuluyang pagkakabasura ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, nagbahagi ng kanyang prangkang opinyon si Angge lalo na sa mga taong naging dahilan ng pagkakasara ng kanyang home network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel