GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya

GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya

- Viral ang post ng magkasintahang inabot ng 12 taon bago tuluyang magpakasal

- Humanga ang babae sa kanyang nobyo na matiyagang naghintay sa "tamang oras" para sa kanilang dalawa

- Dumating pa sa puntong handa na sila subalit hindi pinahintulutan ng pagkakataon dahil parehong nagkaroon ng suliranin ng kanilang pamilya

- Inamin ng babae na sinubukan niyang tanungin ang nobyo noong 2018 kung nais na itong makasal subalit ito naman ang tumanggi

- At ngayong taon, naniniwala ang dalawa na ito ang itinakdang panahon para paghandaan nila ang kanilang kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya

Sina Jonah at Jun Rey (Photo from Jonah Eliza Prado's Facebook)
Source: Facebook

Nagpakilig sa maraming netizens ang isang mahabang post kung saan idinetalye ang nobya kung paano naghintay ng mahigit na isang dekada ang kanyang boyfriend bago siya tuluyang mapakasalan.

Nalaman ng KAMI na 2008 pa magkakilala sina Jonah Eliza Prado at si Jun Rey Tordecillas.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Ayon sa post ni Jonah, sa isang essay writing contest ng SK Federation sa Aklan unang nagparamdam si Jun Rey sa kanya na noon ay presidente ng nasabing pederasyon.

Lumipas ang panahon at nagtapos na sila ng pag-aaral at naging lisensyadong guro na si Jonah, niyaya na agad siyang magpakasal ni Jun Rey.

Subalit dahil sa hindi pa talaga siya handa, tinanggihan niya ito.

Kahit pa noong naging full-time teacher na siya at naging seaman naman si Jun Rey, muli siyang tumanggi dahil wala pa raw siya noong lakas ng loob na lumagay sa tahimik.

Mula noon ay hindi na siya muling inaya pa ng nobyo na magpakasal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

2015, desidido na sana silang pareho subalit nagkaroon naman ng pagsubok ang kani-kanilang pamilya kaya naman minabuti nilang hindi pa rin ito ituloy.

Naubos pa ang pera nila noon pampakasal. Aminadong nakaramdam sila ng lungkot noonsubalit inisip nilang ang mahalaga nang mga panahong iyon ay ang kapakanan ng kanilang pamilya.

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Taong 2018, naglakas-loob na si Jonah at talagang siya na mismo ang nagtanong sa kanyang nobyo bilang siya ay handa na sa panahong iyon. Subalit siya naman ang tinanggihan nito dahil sa magpapalit ito ng propesyon.

Tinanggap naman ito ni Jonah na lilipat naman sa ibang paaralan.Hindi na muli nila ito napag-usapan pa mula noon at ipinagdasal na lamang ang takdang panahon para rito.

At nito nga lang Oktubre 10, nakaluhod pa lamang si Jun Rey sa harap ng nobya, sumagot na ito ng "Yes" kahit hindi pa siya nito tinatanong.

"I love you Mr. Tordecillas, the man who waited for 12 years," ang pagtatapos ng post ni Jonah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nagpakilig sin sa maraming netizens ang kwento ng nurse na inayang magpakasal ng kanyang nobyo matapos na siya ay gumaling sa COVID-19. Matapos lamang ang ilang linggo ay agad na silang ikinasal.

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Samantala, isang bride naman ang nagbahagi ng kakatwang pangyayari sa kanyang kasal kung saan pagbukas pa lang ng pinto ay thermal scanner agad ang bumungad sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel