Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasama umano ni Christian Merck

Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasama umano ni Christian Merck

- Matapos ibunyag ang umano'y ginawang panggagamit sa kanya ng BF na vlogger na si Christian Merck

- Nawawala umano ito ngunit kinalaunan ay nalaman niyang kasama nito ang isang babaeng nakasama niya sa isang blind date umano

- Sinabi din ni Caffey na lahat ng kanilang video ay scripted at planong lahat ni Merck

- Sa sama ng loob ay ibinahagi niya ang litrato ng babaeng umano ay kasama ni Christian Merck

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang emosyonal na paglalahad ng pangyayari sa relasyon nila ni Christian Merck, hindi nag-atubiling maglabas ng saloobin si Caffey Namindang tungkol sa babaeng kasalukuyang kasama umano ng boyfriend.

Inamin ni Caffey ang mga panggagamit umano sa kanya ni Merck. Paliwanag niya, kahit labag sa kanyang kagustuhan ay pumayag siya sa mga gustong gawin ni Merck para sa kanilang content upang ito ay pumatok.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF
Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasa-kasama ni Christian Merck

Photo from Christian Merck Grey's Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Caffey o mas kilala bilang si Makaganda ang litrato ng isang babae na nakatayo sa kotseng sinabi niyang sa kanya.

Galing mo merck sana pinagawa mo muna yung sasakyan ko yung bangga! Ganda ba ng kotse ko! Kapicture picture. Huli na! Maninisi pa ng ibang tao yan! Hindi ako tanga merck alam mo yan. Ate gurl! Sana alam mong may fiancé nayang lalaking sinungaling na kasama mo ngayon.

Ayon pa kay Merfey sa kanyang live video, ang babaeng kasama ni Merck ay ang babaeng nakasama niya sa isang video kung saan nag-blind date umano sila.

Ang dalawa ay nakilala sa kanilang YouTube videos. Nakilala sila sa bansag na Makaganda at Makagwapo.

Matatandaang lumikha din ng ingay ang pag-aaway ng magkarelasyong sina Tim Sawyer at China Roces matapos ibahagi ni China ang isang live video ng kanilang pag-aaway dahil sa usaping pera.

Bugoy Cariño at EJ Laure, ibinahagi ang kanilang karanasan bilang first time parents

Dahil sa lumalang pagbabangayan ay nakarating sila sa programa ni Raffy Tulfo kung saan sinubukan silang pag-ayusin at pagbatiin matapos ang kontrobersiyal nilang pagpapalitan ng masasakit na salita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel