Magkapatid, naghihiraman ng CP para sa online class habang naglalako sa gilid ng mall

Magkapatid, naghihiraman ng CP para sa online class habang naglalako sa gilid ng mall

- Kasa-kasama ng isang ina ang dalawang anak sa kanyang paglalako ng face mask at face shield sa may hagdan ng isang mall

- Wala raw umanong mag-aalaga sa mga ito kaya naman minabuti na lamang niyang isama kahit na bawal palabasin ang mga bata

- Naghihiraman din kasi ang dalawa sa cellphone ng ina na siyang ginagamit nila sa online class

- Aminado ang mga bata na mahirap ang kanilang kalagayan subalit wala umano silang magagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkapatid, sa gilid ng mall nag-aaral kasama ng inang naglalako ng face mask at shield

Photo from Pixabay
Source: Facebook

Namataan sa may hagdan ng isang mall sa North Caloocan ang batang si Jenny Mae Sumbilla na matiyagang sinasagutana ng kanyang learning module.

Nalaman ng KAMI na kasama pala niya ang isa niyang kapatid at kanilang ina na naglalako ng face mask at face shield na siyang ikinabubuhay nila ngayon.

Nakapanayam ni Tina Panganiban Perez ng 24 Oras si Jenny Mae na aminadong "nauulanan at naarawan" sa araw-araw nilang pagsama sa kanilang ina sa pagtitinda.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Ayon sa ina ng mga bata na si Nanette Valdeavilla, alam naman umano niyang ipinagbabawal ang pagpapalabas sa mga bata sa kanilang tahanan bilang pag-iingat pa rin sa kumakalat ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit wala naman daw siyang magawa at walang magbabantay sa mga anak habang siya ay nagha-hanapbuhay.

Ginagamit din ng mga anak ang kanyang cellphone para makadalo sila sa online class nila araw-araw. Naghihiraman lamang ang dalawa para lamang masigurong makakasabay pa rin sila sa klase ng guro nila sa online.

Hindi raw kasi nila kayang bumili ng isa pang cellphone gayung ang kinikita niyang nasa P300 sa isang araw ay pinagkakasya pa niya sa pagkain nila sa araw-araw.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Maraming mga magulang ang napa-aray sa bagong sistema ng pag-aaral ngayong panuruang taon bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Bukod kasi sa laki ng responsibilidad na iniatang sa kanila bilang sila ang makakasama ng kanilang mga anak sa pag-aaral, nakaramdam ng pressure ang ilan sa pakikipagsabayan sa online classes kahit hindi naman talaga ito inoobliga ng DepEd dahil mayroon naman ibang pamamaraan ng pagkatuto.

Subalit ang ilan sa mga magulang ay gumawa talaga ng paraan para lang makasabay ang anak sa online classes. Ang ilan, nagbarter ng kung ano-anong mga bagay tulad ng pananim o alagang hayop kapalit ang cellphone o anumang gadget na mgagamit ng anak.

Ang dahilan nila, hindi rin kasi nila kayang tutukan ang anak sa pag-aaral dahil sa kanilang trabaho at ang iba naman ay aminadong hindi sapat ang kaalaman na maibabahagi sa anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel