Ina ni Lloyd Cadena, nagbigay ng update tungkol sa YouTube channel at bahay ng yumaong anak

Ina ni Lloyd Cadena, nagbigay ng update tungkol sa YouTube channel at bahay ng yumaong anak

- Nagbigay ng updates tungkol sa mga naiwan ni Lloyd Cadena ang ina niyang si Lorita Cadena o mas kilala bilang si "Mother Kween"

- Sa kanyang pinakabagong vlog, inilahad niya ang mga gagawin nila sa mga naiwan ni "Kween LC" tulad ng YouTube channel niya at ang kabibili lamang nitong bahay sa Cavite

- Nagpasalamat din siya sa mga supporters nila at hinikayat na patuloy pa rin siyang suportahan sa kanyang sariling YouTube channel

- Sinabi rin nito na kapag natapos na ang pandemya, sisiguraduhin niyang magkakaroon ng get-together ang mga "Cadenators" para mapasalamatan niya ito ng personal sa pagsuporta nila sa kanya at sa namayapang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina ni Lloyd Cadena, nagbigay ng update tungkol sa YouTube channel at bahay ng yumaong anak

Lorita Cadena (Photo from Mother Kween Vlogs Facebook)
Source: Facebook

Nagbigay na ng update si Lorita Cadena, ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena patungkol sa mga naiwan ng kanyang anak.

Sa pinakabagong vlog ni "Mother Kween" nagkaroon siya ng 'Ask Mother Kween' kung saan ilan sa mga naitanong ng kanyang mga subscribers ay patungkol sa nami-miss na nilang si Lloyd o kilala rin bilang "Kween LC."

Ice cream vendor na putol ang isang binti, natulungan ng napadaang vlogger

Nalaman ng KAMI na hindi na magkakaroon ng bagong videos ang YouTube channel ni Lloyd at mapapanood na lamang ang mga lumang video niya ng kanyang mga subscribers. Nilinaw din ni Mother Kween na hindi naman daw ito matatanggal sa YouTube.

Nabanggit din niya ang patungkol sa bahay ni Lloyd na binili para sa kanila. Taliwas daw sa mga bali-balitang hindi pa ito bayad, fully-paid na raw ang kanilang tahanan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipagpapatuloy din nila ang mga plano ni Lloyd para rito ngunit masisimulan lamang nila ito kung makalipas ng 40 days mula ng pumanaw ang sikat na vlogger.

Iingatan pa rin daw niya ang mga gamit na naiwan ni Lloyd at maglalaan ng isang kwarto sa tahanan kung saan niya ito mailalagak na parang isang museyo.

Taos-puso pa rin siyang nagpapasalamat sa mga supporters ng kanyang anak na maging siya ay sinusuportahan din.

Ina ng komedyanteng si Pokwang, Sumakabilang Buhay na sa edad na 80

Dahil dito, pinaplano niyang magkaroon ng get-together ang mga "Cadenators" upang personal niyang mapasalamatan ang mga ito subalit, mangyayari lamang ito matapos ang pandemya.

Patuloy pa rin siya sa kanyang pagba-vlog sa tulong ng mga kaibigan ni Lloyd na siya namang sumusuporta sa kanila ngayon.

Narito ang kabuuan ng pinakabagong vlog ni 'Mother Kween' na inilabas ngayong Oktubre 11:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Setyembre 4 nang pumanaw si Lloyd Cadena. Kasalukuuyan siya noong nasa ospital dahil sa COVID-19 ngunit inatake raw ito sa puso sa kanyang pagtulog at di na muling nagising.

Inabot ng ilang linggo bago nakapaglabas sa publiko ng opisyal na pahayag ang kanyang ina na si Lorita Cadena patungkol sa biglaang pagkamatay ng pinakamamahal na anak.

Si Lloyd Cafe Cadena o mas kilala bilang si 'Kween LC' ay isa sa mga kilala at mga naunang vlogger sa bansa.

Netizen, namangha sa ganda ni Angel Locsin nang makita niya ito sa personal

Mahal na mahal siya ng publiko lalo na ang kanyang mga subscribers dahil di lamang siya nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan, nakakatulong pa siya mga nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel