Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay ng reaksiyon sa pagbabalik telebisyon ng It's Showtime

Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay ng reaksiyon sa pagbabalik telebisyon ng It's Showtime

- Nagbahagi ng reaksiyon si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ hinggil sa pagpapalabas ng programa ng ABS-CBN sa Zoe 11

- Tinanong niya si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord kung ayos lang sa kanya na ipalabas at i-promote ni Vice Ganda ang kanyang homosexual activity

- Ayon sa pa sa kanya puwede niyang ipaarkila ngunit kailangan may kasulatan kung ano ang bawal ipalabas

- Matatandaang naging kontrobersiyal ang bangayan nina Pastor Quiboloy at Vice Ganda noong nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nahingian ng kanyang opinion ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa pagbabalik telebisyon ng ilang programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Zoe 11 na pagmamay-ari ng Jesus Is Lord founder na si Bro. Eddie Villanueva.

Matatandaang nagkaroon ng partnership ang ABS-CBN at Zoe-11 kaya nagkaroon ang A2Z channel.

Billy Crawford, itinangging nakikipagkumpitensiya sa It's Showtime

Kabilang nga sa mapapanood sa A2Z ay ang I*t's Showtime, ang noontime show na kinabibilangan ni Vice Ganda.

Ito na ang bagong tahanan ng mga programa ng Kapamilya Network na nagsara nang pagkaitan ito ng Kongreso ng prangkisa noong July 10, 2020.

Sa October 9 telecast ng kanyang programang Give Us This Day na napapanood sa SMNI Channel, hiningi ng isang viewer ang reaksyon niya tungkol sa airing ng It’s Showtime sa television station na pag-aari ng isang religious community.

"Okey lang po ba na ipalabas sa TV o i-tolerate ang homosexual activity ni Vice Ganda sa isang religious TV Channel?” tugon ni Quiboloy.

"Tanungin natin si Bro. Eddie Villanueva kung ano ang masasabi niya rito,” dagdag pa niya.

Paliwanag niya, tila salungat ang pagpapakita ni Vice Ganda ng kanyang homosexuality sa tinuturo sa simbahan.

"Kung ako ang may-ari niyan, puwede kong ipaarkila pero may kasulatan na gagawin: 'Do not promote this here,'" aniya na tumutukoy sa gender preference ng TV host.

Ina ng komedyanteng si Pokwang, Sumakabilang Buhay na sa edad na 80

Paliwanang pa niya, sa kanyang channel, bawal i-advertise ang mga produktong maituturing na tinawag niyang sin products kagaya ng alak.

"O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagkaroon ng bangayan sina Vice Ganda at Quiboloy dahil sa hamon ng It's Showtime host na ipahinto ng religious leader ang traffic sa EDSA, pati na ang primetime action drama series ni Coco Martin na Ang Probinsyano kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ng pastor na siya ang nagpatigil ng naganap na Lindol sa ilang bahagi ng Mindanao.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Pastor Apollo Quiboloy, nagbigay ng reaksiyon sa pagbabalik telebisyon ng It's Showtime

Photo by Felix wong/South China Morning Post via Getty Images
Source: Getty Images

Si Apollo Quiboloy ay isinilang sa Davao City. Dati siyang miyembro ng United Pentecostal Church at nang kinalaunan ay nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ church.

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

Isa si Pastor Apollo Quiboloy sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng isang religious sect dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Matatandaang sinampahan siya ng kasong human trafficking ng isa niyang dating miyembro.

Naging usap-usapan ang pagsalakay ng FBI at pagkaaresto ng ilang mga taga simbahan ni Quiboloy.

Matatandaang, pinasaringan ni Quiboloy sina Vice Ganda at isa pang lalaking co-host nito sa noontime show kaugnay sa paghamon nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel