Ivana Alawi napaiyak muli nang magkita sila ng personal ni Raffy Tulfo

Ivana Alawi napaiyak muli nang magkita sila ng personal ni Raffy Tulfo

- Naging emosyonal si Ivana Alawi sa kanyang guesting sa 'Raffy Tulfo in Action'

- Ito ay matapos niyang sumabak bilang co-anchor ni Raffy Tulfo at nakipag-usap sa complainant at sa inirereklamo

- Naiyak ang YouTube star dahil naging apektado siya pagdating sa usaping pampamilya

- Ayon mismo kay Ivana, ang kanyang pamilya ang pinaka importante sa buhay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maiyak ni Ivana Alawi nang maging guest co-anchor siya ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action kung saan sinusubukan nilang bigyan ng tugon ang mga suliranin ng mga taong nagrereklamo.

Isang problema ng pamilya ang kanilang sinubukang ayusin. Subalit matapos ang kanilang pakiusap sa babae na patawarin na lamang ang kanyang selosong asawang lalaki na nasa ibang bansa, tumanggi ang misis na bigyan ng pagkakataon ang kanyang asawa.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena
Ivana Alawi napaiyak muli nang magkita sila ng personal ni Raffy Tulfo

Photo from @ivanaalawi/Instagram
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilang maiyak ni Ivana dahil para sa kanya, ang pamilya ang pinaka importante sa buhay.

Matapos ang pakikipag-usap sa mga dumulog sa programa, pinaliwanag ni Ivana na maswerte siya at kahit nawala ang kanyang ama, hindi na nag-asawa ang kanilang ina at inalagaan na lamang silang magkakapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi ito ang unang beses na napaiyak si Ivana dahil nauna na itong na-prank ni Mr. Tulfo. Kaya naman nabanggit ng news anchor na sa dalawang beses nilang pagkikita ay naiyak si Ivana.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit anim na milyon ang kanyang YouTube subscribers sa loob lamang ng pitong buwan simula nang mag-umpisa siyang gumawa ng YouTube videos.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Sa naunang ulat, ibinahagi ni Ivana kung gaano kalaki ang kanyang kinikita sa kanyang YouTube videos. Dahil sa angking kagandahan at kasikatan, binansagan si Ivana bilang bagong pantasya ng bayan.

Gayunpaman, hinangaan siya hindi lamang sa kanyang panlabas na anyo kundi pati sa kanyang ugali. Ibinahagi niyang tinanggihan niya ang isang manliligaw na ubod ng yaman. Minsan na rin siyang na-link kay DJ Loonyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel