Jollibee at McDo, SM at Robinsons, Coke at Pepsi, nagsama-sama sa isang nakakaantig pusong ad

Jollibee at McDo, SM at Robinsons, Coke at Pepsi, nagsama-sama sa isang nakakaantig pusong ad

- Viral ngayon ang advertisement ng Ingat Angat kung saan nagsama-sama ang "magkakalabang" brands sa iisang advertisement

- Hindi mapigilang maging emosyonal ng maraming Pilipino matapos na mapanood ang ad na nagbibigay pag-asa sa kinahaharap nating pandemya

- Ipinapakita rin ang kalagayan ng bawat Pilipino sa tinatawag na "new normal" lalo na at hindi pa rin napupuksa ang COVID-19

- Masasalamin din ang katatagan ng mga kababayan nating hindi nagpapatinag sa anumang kinahaharap na problema lalo na ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jollibee at McDo, SM at Robinsons, Coke at Pepsi, nagsama-sama sa isang nakakaantig pusong ad

Photo from McDonald's Facebook
Source: Facebook

Marami ang naluha at hindi napigilang maging emosyonal matapos na mapanood ang isang advertisement kung saan ang mga magkakalabang brands sa bansa ay nagawang magsama-sama.

Nalaman ng KAMI na isa itong pasabog na advertisement ng Ingat Angat kung saan masasalamin ang kasalukuyang kalagayan ng bawat Pilipino ngayong kinahaharap pa rin natin ang pandemya.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Nagsama-sama ang Coke at Pepsi, McDonald's at Jollibee, Metrobank at BDO, SM at Robinsons at marami pang magkakatunggaling kompanya para lamang magbigay ng mensahe ng pag-asa sa bawat Pilipino na dumaranas ng hirap dahil sa COVID-19.

Kapansin-pansin din ang pagpapakita ng mga safety protocols lalo na kung nasa pampublikong lugar bilang bahagi ng tinatawag nating "new normal."

Ipinakikita ang tamang pagsusot ng mask at face shield, ang palagiang paghuhugas ng kamay. social distancing ang iba pa.

Ipinaabot ng advertisement na ito na sa panahong humaharap tayo sa krisis ay maari tayong magkaisa upang sabay-sabay tayong umangat at bumangon sa pagkakalubog natin sa mga problema.

Namangha ang maraming netizens at naramdaman ang good vibes na dala ng nakakaantig ng pusong ad na ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaiyak... posible palang maging united all competing big brands in one advertisement"

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

"Naluha ako dito .. Maiisip mo yong mga nangyari from the beginning until now . Daming trials sa atin but still lumalaban. Salamat po dito"

"Sama sama lang, lahat ay aangat."

"Whoever created the idea of this campaign, thank you for enkindling hope to the humanity."

"Grabe ung Goosebumps sa video na ito at naka ilang playback ako sa ganda, kakayanin natin talaga natin to"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga malalaking kompanyang na nasa advertisement na ito ay dumanas din ng krisis dala ng COVID-19.

Matatandaang noong Agosto, inanunsyo ng Jollibee ang pagsasara ng 255 stores nila dahil sa pagkalugi ng ilang bilyon.

Gayunpaman, nagawan pa rin nila ng paraan na makapaglaan ng pondo para sa kanilang mga empleyado tuloy pa rin ang sahod noong sumailalim sa enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel