Ina ng komedyanteng si Pokwang, sumakabilang buhay na sa edad na 80

Ina ng komedyanteng si Pokwang, sumakabilang buhay na sa edad na 80

- Pumanaw na ang ina ng sikat na komedyante na si Pokwang sa edad na 80

- Inanunsyo niya ito sa pamamagitan ng isang emosyonal na 'tweet' ng pamamaalam sa kanyang ina

- Pinalitan din niya ang kanyang profile picture ng kandila na sinasabing sumisimbilo sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay

- Noon pa man ay hayagang ipinakikita ni Pokwang ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa ina na nasa kanyang poder

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina ni Pokwang, pumanaw sa edad na 80

Pokwang (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sumakabilang buhay na si Gloria Subong, ang ina ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang "Pokwang" sa edad na 80.

Nalaman ng KAMI na bandang alas kwatro ngayong umaga ng Oktubre 10 pumanaw ang kanyang "Mama Gloria".

Sa pamamagitan ng kanyang mga social media pages, ipinaalam ni Pokwang ang pagpanaw ng kanyang ina sa publiko.

Sa kanyang Twitter account na Marietta Subong, emosyonal na mensahe ang kanyang nai-tweet ng pamamaalam sa ina sa gitna ng pandemya.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

"Salamat sa pagmamahal mo at kalinga saming mga anak mo at apo, paalam mama ko, mahal ka namin sobra..." ang bahagi ng tweet ni Pokwang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kanya namang Facebook page, pinalitan niya ang kanyang profile picture ng larawan ng kandila na sinasabing simbolo ng pagpanaw ng isang mahal sa buhay.

Isa si Pokwang sa mga artistang hayagan ang pagmahahal sa kanyang ina na nasa kanyang pangangalaga.

Ilan sa kanyang mga post ay patungkol sa kanyang Mama Gloria at madalas niya itong pasalamatan sa pagmamahal at sakripisyo nito para sa kanila.

Sa huling mensahe niya para sa ina, nabanggit ni Pokwang ang kanyang pagbabalik sa hanapbuhay sa kabila ng pandemya para lamang madugtungan pa ang buhay ng ina.

Kasalukuyan nang bahagi ng TV5 si Pokwang kung saan magiging bahagi siya ng ilang programa.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tila maraming pinagdaanan ang aktres habang kinahaharap din ng kanilang pamilya ang pandemya.

Kamakailan lamang ay naging emosyonal si Pokwang sa pamamaalam niya sa ABS-CBN at ang kanyang paglipat sa TV5.

Nagpasalamat siya sa Kapamilya network at pinaliwanag na kailangan lamang niyang magdesisyon ng maaga para sa kanyang pamilya.

Nito lamang nakaraang buwan, di rin naiwasang maluha ng komedyante dahil sa hindi na makababalik pa ang tagapag-alaga sa anak niyang si Malia.

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si "Pokwang" ay isa sa mga artista na produkto ng ABS-CBN. Mas nakilala siya sa pagiging isang komedyante subalit hindi rin naman matatawaran ang kanyang husay sa pag-arte, pagkanta at sa pagiging isang TV host.

Makailang beses na rin siyang nagwagi ng 'Best Comedy Actress' mula sa PMPC Star Awards for TV.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel