Netizen, aliw na aliw sa todo bigay na pagti-TikTok ng security guard

Netizen, aliw na aliw sa todo bigay na pagti-TikTok ng security guard

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang nakitang security guard na todo bigay sa kanyang pagsasayaw sa TikTok

- Aniya, break time daw ng security guard kaya nakapag-TikTok ito at tila nakakatanggal daw ito ng stress sa ospital na pinagtatrabahuhan nila

- Makikita nga sa video na nag-viral na talagang magaling sumayaw ang security guard

- Maraming mga netizens din naman ang naaliw sa todo bigay performance ng security guard sa TikTok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang makitang todo bigay ang pagsayaw ng security guard para sa kanyang TikTok video.

Nalaman ng KAMI na game na game sa pagti-TikTok ang security guard habang break time nito sa isang ospital sa Butuan City.

Netizen, aliw na aliw sa bigay-todo na pagti-TikTok ng security guard

Screenshot from Ryniel Pineda's YouTube video
Source: Original

Sa video na ibinahagi ni Matet Gerona sa Facebook, tila napansin niya raw na busy sa pagsasayaw sa TikTok ang security guard.

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinumpirmang kasal na sila sa pamamagitan ng isang music video

“Ka busy ba ni Kuya Guard oy,” sabi nito sa kanyang caption.

Sinabi naman ni Matet sa Philippine Star na nakita niya ang security guard habang nagbabantay siya ng pasyente. Tila nakakawala nga raw ng stress ang pagsasayaw ng guard.

Kasalukuyan namang nasa higit 449,000 na ang followers ng security guard na si Ryniel Pineda sa TikTok.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming mga netizens ang naaliw sa dance moves ng security. Tignan ang mga komento nila rito sa Facebook post ng Philippine Star:

“Ang galing naman ni Kuya...”
“Pam pa goodvives si kua guard”
“Kakatuwa naman si kuya! Good vibes lang. God bless you, kuya!”
“magalung sumayaw si kuya. galing galing naman”
“Galing ni Kuya. Dami na nya followers sa Tiktok”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

Samantala, nauna nang nag-viral ang guard na si Ryniel noon dahil sa kanyang mga viral na TikTok videos. Na-feature pa nga ang dance videos niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Dati umanong dancer at choreographer si Ryniel kaya magaling talaga ito sumayaw at dala-dala niya ito kahit iba na ang trabaho niya.

Samantala, isang guard naman ang nag-viral din matapos siyang makitang nagbabasa ng law books bilang paghahanda sa pag-aabugasya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning all about your interesting thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel