Driver na biglang umalis matapos magpa-full tank, sapul sa CCTV

Driver na biglang umalis matapos magpa-full tank, sapul sa CCTV

- Naibalitang biglang umandar at umalis ang isang motorista matapos nitong magpa-full tank

- Sinubukan pang habulin ng gas boy ang driver ngunit tuloy-tuloy lang ito sa pag-andar

- Nanawagan naman ang asawa ng gas boy na sana ay mahanap ang driver at sana nga ay nakalimutan lang nito magbayad

- Aniya, ang asawa niya ang nag-abono ng P1,000 na pinakarga ng biglang umalis na motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang driver ng AUV ang napabalitang biglang umalis na lang ng gasoline station matapos magpakarga nito ng gasolina.

Nalaman ng KAMI na agad umarangkada ang driver matapos nitong magpa-full tank sa Laguna.

Isang driver na biglang umalis matapos magpa-full tank, sapul sa CCTV

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Sa isang Facebook post, nanawagan ang netizen na si Arlyn Ramos, ang asawa ng gas boy, na mahanap sana ang driver upang masingil ito.

Aniya, ang asawa niya ang nag-abono ng P1,000 na pinang-gas ng driver bago ito umalis. Umaasa rin ang netizen na sana ay nakalimutan lang ng lalaki magbayad.

Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako, dinagsa ng tulong

“Hindi siya nagbayad or nakalimutan lang siguro. Pero sana alam niya sa sarili niya na nakalimutan niya lang,” sabi ng netizen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa ulat ni Arnold Clavio sa Unang Hirit, kumuha pa umano ng gallon ang driver at maging ito ay pinalagyan niya ng gasolina.

Matapos makargahan ng gas ang sasakyan niya, bigla naman itong umandar. Sinubukan ng gas boy na habulin ito ngunit tuloy-tuloy lang siya sa pag-andar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, tinulungan ng Syrian vlogger na si Basel ang isang 68-anyos na lolo na naghahanapbuhay pa rin sa isang gasolinahan.

Nagpahangin ng gulong si Basel kay lolo. Subalit, hindi nito alam na bibigyan siya ng malaking tip na P1,000 kada gulong ng vlogger.

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Samantala, isang gasolinahan naman sa Surigao del Norte ang nasunog noong nakaraang taon dahil hindi umano pinatay ng isang tricycle driver ang makina nito habang nagkakarga ng gasolina.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning all about your interesting thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel