Anak, ipina-Tulfo ang ina na maraming kaaway kabilang na siya

Anak, ipina-Tulfo ang ina na maraming kaaway kabilang na siya

- Lumapit na kay Raffy Tulfo ang anak dahil sa kakaibang ugali ng ina na laging maraming nakakabangga

- Kasama niya ito sa trabaho sa ibang bansa at ninanais niyang makuha ang ilang mga importanteng dokumento niya na nasa ina

- Maging ang mga kasamahan nila sa tinitirahan ay di makasundo ang ina na halos lahat na raw ay kinaaway

- Nagmatigas man ang ina subalit nangako ang programa na makuha ang dokumento na hinihingi ng anak upang makauwi na rin ito sa Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, ipina-Tulfo ang ina na maraming kaaway kabilang na siya

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang isang anak na inirereklamo ang kanyang ina na laging marami umanong nakakaway sa kanilang trabaho at tinitirahan.

Nalaman ng KAMI na parehong OFW ang anak na si Princess Aupe at inang si Arsenia Aupe.

Ang masaklap, nagagawa pa ng ina na saktan ang anak na nagsasabing naiinggit lamang daw ito sa kanya.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Galit na galit ang ina na bumungad sa programa ni Tulfo at itinanggi ang alegasyong naiinggit ito sa sariling anak.

Dahil sa madalas na may nakakaaway ang ina, ang anak daw kasi ang lumalabas na mabait sa mga kasamahan nila.

Paliwanag ng anak, hindi raw niya kasi kaya ang nagagawa ng ina na kapag galit, hindi raw nito tinatantanan ang nakakaaway.

Ang anak, hangga't maaari ang siyang nagpapakumbaba sa nagagawa ng ina upang maayos na makisama sa mga kapwa Pinoy nila doon.

Kahit na pinaliliwanag ni Tulfo ang sitwasyon, mapapansing nagmamatigas pa rin ang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hiling din kasi ng anak na makuha ang mga dokumentong nasa ina lalo na at may balak na siyang umuwi ng Pilipinas.

Sa tagal ng kanilang naging pag-uusap, mas lalong dumami ang masasakit na salitang nabitawan ng ina laban sa anak.

70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang mag-isang bumubuhay sa pamilya

Nais na sana lamang na humingi ng tawad ng anak subalit hindi na ito nabigyan ng pagkakataon ng ina.

Gayunpaman, nangako ang programa ni Tulfo na tutulungan ang anak na makuha ang hinihiling nitong dokumento.

Nag-iwan na rin ng mensahe ang anak sa ina at nilinaw niyang wala naman siyang galit na nararamdaman sa taong nagsilang sa kanya.

Narito ang video mula sa Raffy Tulfo in Action:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay tinulungan naman ni Tulfo ang isang anak na inireklamo ang kanyang ama dahil ginawa nitong kabit ang kanyang asawa.

Isa rin sa mga natulungan pa ni Tulfo ay ang anak na inireklamo ang ama dahil mismong best friend pa niya ang ginawa nitong kabit.

Kilala si Raffy Tulfo hindi lamang sa pagiging isang batikang broadcast journalist sa bansa kundi sa pagiging isang matapat na public servant at mabilis na pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga naaapi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel