Netizen, namangha sa ganda ni Angel Locsin nang makita niya ito sa personal

Netizen, namangha sa ganda ni Angel Locsin nang makita niya ito sa personal

- Ibinahagi ng isang netizen ang larawan ni Angel Locsin na nakita niya sa personal sa unang pagkakataon

- Hindi nito napigilang sabihin na 'super ganda' ng aktres kaya naman kinunan niya ito ng ilang larawan

- Nakita niya ito sa isang simbahan sa Caloocan kung saan may taping ito ng kanyang programang "Iba'Yan"

- Mapapansin ding kasama ng aktres ang kanyang fiance' na si Neil Arce na todo ang suporta sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Netizen, namangha sa ganda ni Angel Locsin nang makita niya ito sa personal

Angel Locsin (Photo from Flickr)
Source: UGC

Mabilis na nag-viral ang mga bagong larawan ng aktres na si Angel Locsin.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nakakita sa aktres nang magsimba raw siya sa Our Lady of Grace Church in Caloocan City nitong Lunes, Oktubre 5.

"Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa!" ang caption ng post ng uploader na si Angelica Santos.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

Sinabihan pa raw sila nito ng "Hi po, sandali lang po ah," na siyang ebidensya ng kabaitan ng aktres.

Kasalukuyan noong may taping ang dating "Darna" ng kanyang programa sa Kapamilya Network na "Iba 'Yan."

Mapapansin din sa mga larawan na kasama ni Angel ang kanyang fiance' na si Neil Arce na todo ang suporta sa kanya.

Maging ang mga netizens na nakakita ng mga bagong larawan ni Angel ay nagpakita pa rin ng labis na paghanga sa kanya.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"True beauty inside and out"
"Beautiful! sana all kasing ganda mo po Ms. Angel at kasing bait mo pa!"
"Our one and only Darna. Napakaganda pa rin, walang kupas!"
"Simple pero napakagandan at napakabait pa, we love you Darna"
"Ang ganda ganda pa rin niya sobra!"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Narito ang mga bagong larawan ng aktres na ibinahagi rin ng Latest Chika:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay gumawa ng ingay ang pangalan ng aktres matapos na siya ay tanghalin na "most admired woman in the Philippines".

Ito ay base sa isinagawang survey ng YouGov, isang analytics company na naka-base sa United Kingdom.

Hindi naman ito kataka-taka dahil marami ang mga saksi kung gaano kabuti ang itinuturing ng marami na real-life Darna.

Matatandaang minsan na ring nag-viral ang mga larawan ni Angel nang mamataan naman siya ng isang netizen na habang ito ay may taping ng kanyang programa sa Quezon.

Humanga ang uploader sa walang kupas na ganda ng aktes hanggang ngayon.

Si Angel Locsin ay isa sa mga hinanagaang aktres sa bansa. Isa sa hindi makakalimutang karakter niya ang 'Darna' lalo na at marami ang nagsasabing tila 'superhero' nga raw ito kung tumulong sa mga nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel