10 guro sa Iligan, nagpositibo sa COVID-19 matapos daw mamigay ng learning modules

10 guro sa Iligan, nagpositibo sa COVID-19 matapos daw mamigay ng learning modules

- Nagpositibo sa COVID-19 ang 10 mga guro mula sa Iligan City matapos na makasalamuha ang isang asymptomatic din na guro

- Nilinaw ng DepEd director ng lugar na hindi 11 kundi 10 lamang ang mga gurong nagpositibo taliwas sa unang report

- Sinabing hindi raw nagkaroon ng virus ang mga guro matapos na mamahagi ng modules

- Mas malaki ang posibilidad na nagkahawa-hawa ang mga ito nang dumalo sa isang pagpupulong kung saan ang isa pala sa kanila ay positibo na sa COVID-19

- Kasalukuyan na ring nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Iligan City dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

10 guro sa Iligan City, nagpositibo sa COVID-19 matapos mamigay ng learning modules

Photo from Pixist
Source: UGC

10 at hindi 11 na mga guro sa Iligan City ang kumpirmadong nagkaroon ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na mismong ang dibisyon ng Department of Education sa lugar ang nagkumpirma nito ngayong Huwebes, Oktubre 8.

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Sa ulat ng Inquirer, nilinaw ni Estela Cariño, director ng DepEd sa Cagayan Valley na hinid umano nagkaroon ng COVID-19 ang mga guro matapos na mamahagi ng guro ng learning manuals.

Una kasing napabalita sa Philippine Star na 11 na guro ang nagpositibo sa virus matapos na mamigay ng modules sa mga high school students nila.

Ipinaliwanag din ni Cariño na mayroon silang itinalagang mga drop-off points sa bawat barangay kung saan dapat na kunin at dalhin ang mga modules at hindi sa pamamgitan ng kanilang mga guro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Base sa impormasyon na inilabas ng DepEd Region II, siyam na mga guro ang nahawa umano matapos na makasalamuha ang isang guro na nagnegatibo sa rapid test subalit nagpositibo naman sa swab test.

Ang gurong ito ay dumalo pa sa kanilang meeting nang di niya nalalamang positibo na siya dahil isa siyang asymptomatic.

Mga teacher, umakyat sa bubong kahit tirik ang araw para makasagap ng signal

Sa panayam kay Isabela Gov. Rodito Albano III ng ABS-CBN Teleradyo, sinabi nitong naglabas na siya ng excutive order kung saan sumasailalim sa modified enhanced community quarantine ang Iligan City mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 16 dahil sa biglang pagtaas umano ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa naturang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Lunes, Oktubre 5, nagsimula na ang klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Bukod sa online classes, mayroon ding tinatawag na blended learning instructions kung saan ang mga estudyante ay maaring matuto sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at ang napabalitang ipinamamahagi ng mga guro na learning modules.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel