OFW na nakapagpundar ng ari-arian, inspirado dahil sa limang anak

OFW na nakapagpundar ng ari-arian, inspirado dahil sa limang anak

- Ibinahagi ng isang OFW sa Saudi ang nakaka-inspire na buhay niya sa pangingibang bansa

- Sa loob lamang kasi ng dalawang taon nito sa abroad ay nakabili na ito ng lupa at nagkaroon na rin siya ng bahay na may dalawang palapag

- Bagaman at muli na namang sinusubok ng tadhana ang kanilang pamilya dahil sa panemya, nananatiling matatag ang OFW

- Ang lahat ng kanyang pagsisikap ay para sa kanyang limang anak na ninanais niyang magkaroon ng magandang kinabukasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na nakapagpundar ng ari-arian, inspirado dahil sa limang anak

Vergie Linugon Ebad (Photo from Vergie Linugon Ebad)
Source: UGC

Kahanga-hanga ang sipag at tiyaga ng overseas Filipino worker na si Vergie Linugon Ebad.

Nalaman ng KAMI na ikasalukuyang caregiver sa Saudi si Vergie at nagpapasalamat ito na hindi nananakit ang kanyang amo.

Naikwento rin ng OFW na marami siyang pinasok na trabaho sa Pilipinas. Subalit hindi raw talaga sumasapat ang kinikita niya noong nandito pa siya sa bansa.

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Lima ang mga anak ni Vergie na siyang dahilan kung bakit niya naisipang mag-abroad.

Aminado siyang bilang ina, mahirap na mawalay sa mga anak lalo na at ang kanyang bunso ay naiwan niya noong apat na buwan pa lamang ito.

Subalit sa loob lamang ng dalawang taon ay nagkaroon naman na ng resulta ang mga pagtitiis niya sa pagkakawalay sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nakabili na raw siya ng lupa at nakapagpatayo na siya ng bahay na dalawang palapag. Hindi pa man daw ito tapos subalit masaya siya na nakita niya agad ang 'katas ng Saudi' kung kanyang tawagin.

Malaki ang naitulong ng pag-a-abroad niya dahil nakakabayad na siya sa mga pinagkakautangan at natutulungan din niya ang kanyang mga magulang at iba pang kaanak.

Subalit dahil sa pandemya, sinubok din ang kanilang pamilya dahil nawalan ng trabaho ang kanyang mister.

Batang namamalimos at lakas loob na nagpabili ng Jollibee meal, nabiyayaan

Sa kabila nito, hindi pa rin nawalan ng loob si Vergie at mas lalo pa siyang nagsipag at isinaayos ang trabaho dahil siya ang pinaka-inaasahan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga anak.

Handa raw niyang tiisin ang kahat ng hirap dahil ninanais lamang niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

OFW na nakapagpundar ng ari-arian, inspirado dahil sa limang anak

Pamilya ni Vergie (Photo from Vergie Linugon Ebad)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maswerteng maituturing si Vergie na maagang nakakamit ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Tulad din ng isa pa nating kababayan na sa loob ng apat na taon, may bahay, lupa at negosyo na kaya naman mas mapapadali na ang pag-uwi niya sa Pilipinas at di na muling aalis pa.

Ang isa rin namang kababayan nating OFW na wais ay nagpagawa ng tinawag niyang "smart house" dahil bukod sa bahay na naipatayo, naroon na rin ang negosyong maari niyang pagkakitaan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel