Matandang palaboy, tinulungan ng mga sakristan at kinupkop na ng kanilang simbahan

Matandang palaboy, tinulungan ng mga sakristan at kinupkop na ng kanilang simbahan

- Viral ang post ng isang altar boy tungkol sa matandang palaboy na kanilang natulungan

- Dinala nila ito sa kanilang simabahan upang mapakain at mabihisan ng maayos

- Matagal-tagal na rin daw umanong namamalagi sa lansangan ang matanda na umaasa lamang sa mga bigay ng mga taong nadaraanan siya

- Kasalukuyan na ring nasa pangangalaga ng simbahan ang matanda upang tuloy-tuloy na ang maayos nitong pamumuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matandang palaboy, tinulungan ng mga sakristan at kinupkop na ng kanilang simbahan

Photo from Teo Tris Tian's Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang pagmamalasakit na ginawa ng mga altar servers sa isang matandang palaboy sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na mula sa San Roque Parish ng Mawab ,Davao de Oro ang mga sakristan na tulong-tulong na nilinisan at inayusan ang palaboy na kilala sa kanilang lugar sa tawag na "Totong."

Ibinagi ng isa sa mga altar boys na si Teotristian Gamez Batuta na may Facebook name na Teo Tris Tian kung paano nila pinaliguan, ginupitan ng buhok, binihisan at pinakain si Totong.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Matagal-tagal na rin daw kasi itong namamalagi sa lansangan at mapapansing hindi na talaga ito nakakapaglinis ng katawan.

Umaasa rin umano ito sa mga bigay ng mga taong nadaraanan siya at naaawa sa kanyang kalagayan sa araw-araw.

Kaya naman kapansin-pansin ang malaking pagbabago ni "Totong" at mababakas na rin ang ngiti nito sa kanyang labi dahil sa mga ginawa ng mga sakristan sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kasalukuyan na ring namamalagi si Totong sa simabahan upang tuloy-tuloy na rin ang maayos nitong kalagayan kumpara sa buhay niya sa lansangan na walang katiyakan.

Proud naman ang mga Mawabeños sa nagawa na ito ng mga altar servers na hindi lamang daw ang paglilingkod sa simbahan ang nagagawa kundi ang pagtulong din sa kapwa.

Samantala, isang mag-ama naman ang natulungan matapos na mag-viral ang kanilang larawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga mag-asawang mula Bulacan patungong La Union gamit ang kariton, natulungan

Isang netizen kasi ang nagbahagi ng larawan ng ama na taho vendor habang pasan sa likod ang kanyang anak na isang taong gulang pa lamang.

Naawa ang netizen kaya naman binahagi niya ang larawan ng mag-ama upang makapangalap ng tulong. Nakarating na rin ang larawan sa programa ni Raffy Tulfo kaya naman nabigyan na rin sila ng tulong.

Sa panahon ngayon, mas lalong dumami ang mga nangangailangan ng tulong nating mga kababayan subalit nakakataba ng puso na malamang dumarami rin naman ang mga handang magbahagi ng biyaya sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel