Willie Revillame, binabaan ng caller matapos sabihan ng: ‘Sino ka? Wrong number ka!’

Willie Revillame, binabaan ng caller matapos sabihan ng: ‘Sino ka? Wrong number ka!’

- Sa programang Wowowin, tinawagan ni Willie Revillame ang isang babae sa Abra upang tulungan ito

- Subalit, hindi naman siya nakilala ng caller at sinabihan pang “wrong number” si Kuya Wil bago niya binabaan ito

- Muling tinawagan ni Willie ang caller at dito na nga siya nakilala ng babae kaya labis ang saya nito

- Talagang masuwerte ang caller dahil binigyan siya kaagad ng P20,000 ni Kuya Wil kahit hindi niya masyadong nagawa ang pinapakanta nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy sa pagtulong sa kapwa ang Wowowin host na si Willie Revillame lalo na ngayong may pandemya sa bansa.

Subalit, nalaman ng KAMI na isang caller na naman ang muling nagbaba ng phone kay Kuya Wil nang tawagan niya ito para tulungan.

Willie Revillame, binabaan ng caller matapos sabihan ng: ‘Sino ka? Wrong number ka!’

Photo from Flickr
Source: UGC

Sa YouTube video ng Wowowin, tinawagan ni Kuya Wil ang babaeng nakatira sa Abra. Subalit, hindi siya nakilala nito.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

“Hello, sino ‘to? Sino ka?” tanong ni Kuya Wil.

“Ay, wrong number kayo, kuya. Kayo po ‘yung tumawag,” sabi ng caller.

“Sandali, sorry, huwag mo munang ibababa, may sasabihin ako sa’yo, sayang ‘yan,” sagot ni Kuya Wil at bigla namang binaba ng caller ang tawag.

Muling tinawagan ni Kuya Wil ang babae at sinabing: “Bakit mo ko binabaan? Ayaw mo?”

Dito na nga nakilala ng caller si Kuya Will. Binigyan naman ng Wowowin host ang caller ng P20,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isang sikat na TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagtulong sa maraming Pilipino dahil sa pamimigay nito ng pera at iba pang mga gamit.

Nitong nakaraan, isang online teacher ang tinawagan ni Kuya Wil. Pero, inakala naman ng teacher na estudyante niya lang ang Wowowin host.

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

Kamakailan lang, binahagi ni Kuya Wil na hindi siya umalis ng Wil Tower para sa kanyang programang na Wowowin. Nanatili siya rito kasama ang mga staff upang matiyak ang kaligtasan nila.

Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel