Raffy Tulfo, inilahad na di nabibigyan ang mga kapatid ng malaking kita niya sa YT

Raffy Tulfo, inilahad na di nabibigyan ang mga kapatid ng malaking kita niya sa YT

- Pabirong inamin ni Raffy Tulfo na hindi niya nabibigyan ang mga kapatid ng kanyang kinikita sa pagiging isang sikat na 'YouTuber'

- Umabot na sa malaking halaga ang kinita ni Tulfo sa YouTube na siyang ginagamit niya sa pagtulong niya sa mga kababayan nating humihingi sa kanya ng saklolo

- Sinusuportahan din niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanilang ina

- Minsan na niyang itinanggi noon ang pagkakaroon ng nasa 50 million na kita sa YouTube, subalit habang tumatagal sa nasabing social media platform, hindi maipagkakaila na palaki na rin ng palaki ang kanyang kinikita rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, inaming di nabibigyan ang mga kapatid ang sinasabing bilyong pisong kita niya sa YouTube

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Inamin ng batikang broadcast journalist sa bansa na si Raffy Tulfo na hindi niya nabibigyan ang kanyang mga kapatid ng sinasabing malaking kita niya sa YouTube.

Nalaman ng KAMI na umabot na sa mahigit 15 million ang YouTube subscribers ni Raffy Tulfo na nangangahulugan lamang ng malaking kita.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Ayon sa ulat ni Leo Bukas ng Push, malaking halga ng per na ang kinita ni Tulfo sa YouTube na siyang ginagamit niya sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayan nating humihingi ng saklolo.

Subalit nang tanungin kung nabibigyan ba niya ang mga kapatid na pawang mga sikat na broadcast journalist din na sina Ramon, Ben at Erwin mula sa kanyang kita sa YouTube, pabiro nitong sinagot na 'hindi.'

“Mayaman sila, hindi ko na kailangang bigyan. Iyong nanay ko na lang tinutulungan ko, pero yung mga kapatid ko may mga pera sila, so hindi na nila kailangan ang mga tulong ko," natatawang pahayag ni Raffy.

"Baka mainsulto pa sila pag binigyan ko sila ng pera,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang sa isang panayam sa kanya ng Pep, minsan na niyang itinanggi na nasa P50 million na ang kinikita niya sa YouTube. Subalit sa tagal ng panahon, at habang dumaramina ang mga subscribers niya sa naturang platform, hindi maipagkakaila ni Tulfo ang laki ng kanyang natatanggap sa pagtulong din sa atin mga kababayan.

Netizen na bumili ng 'fake teeth cover', dinaan sa biro ang labis na pagkadismaya

Samantala, inanunsiyo rin ng TV5 ang bago nitong programa na 'Frontline Pilipinas' kung saan makakasama niya sina Luchi Cruz-Valdes at Cheryl Cosim ayon sa Philippine Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist ng bansa. Mas lalo siyang nakilala sa kanyang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programa niyang 'Raffy Tulfo in Action'.

Nito lamang Oktubre 5 at balik studio na ng TV5 matapos ang ilang kababalaghang naganap sa kanilang pansamantalang naging opisina.

Nag-imbita pa sila ng ilang mga eksperto upang masuri ang naturang lugar. Hanggang sa huling araw nila sa nasabing opisina ay patuloy pa rin silang ginambala ng sinasabing 'babae' na naroon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel