Kapatid ni Arnel Pineda, arestado matapos umanong masangkot sa ilegal na droga

Kapatid ni Arnel Pineda, arestado matapos umanong masangkot sa ilegal na droga

- Nahuli sa isang buy-bust operation ang kapatid umano ng sikat na singer na si Arnel Pineda

- Ayon sa awtoridad, inaresto si Rusmon Pineda at ang barangay tanod na kasama niya noong mangyari ang operasyon

- Itinanggi ng tanod na sangkot siya sa ilegal na droga, paliwanag niya, hinatid lang daw niya si Rusmon

- Nasa apat na pakete naman ng ilegal na droga na nagkakahalagang P136,000 ang nakuha sa dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang nakababatang kapatid ng sikat na singer na si Arnel Pineda matapos magsagawa ng isang buy-bust operation ng mga awtoridad.

Nalaman ng KAMI na nahuli ang nagngangalang Rusmon Pineda at ang kasama niyang barangay tanod sa Quezon City.

Kapatid ni Arnel Pineda, arestado matapos umanong masangkot sa ilegal na droga

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News (ulat ni Jervis Manahan), nagsagawa ng buy-bust operation sa kanto ng Scout Santiago at A. Roces Avenue noong alas-11 ng gabi.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Itinanggi ng tanod na sangkot siya sa ilegal na droga. Paliwanag niya, nagmagandang loob lang daw siyang ihatid si Rusmon kaya magkasama sila.

Sa ulat ng Inquirer (isinulat ni Consuelo Marquez), nahuli si Rusmon at ang tanod matapos magbenta umano ng mga ito ng ilegal na droga na nagkakahalagang P23,000 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Base naman sa ulat ng Yahoo! News, may nakuhang apat na sachet ng shabu kay Rusmon at sa barangay tanod na nagkakahalagang P136,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Arnel Pineda ay isang sikat na singer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa rin. Noong 2007, si Arnel na ang naging lead singer ng American rock band na Journey.

Noong closing ceremonies ng 30th SEA Games, si Arnel Pineda ang kumanta at tila napansin ng netizens na nahirapan ito sa kanyang performance. Proud na proud pa rin naman ang mga Pinoy sa singer

Magkapatid na nag-aayos ng internet para sa online class, nakuryente at namatay

Nagkaroon din ng duet si Arnel at Morisette Amon. Kinanta nila ang “I Finally Found Someone” at nag-viral ito sa social media.

Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel