Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

- Viral ang video ng pagkakahuli ng mag-inang naka-motor dahil sa substandard lamang na helmet ang suot ng nanay

- Hiram lamang nila ito dahil magtutungo sila sa DWSD upang humingi ng medical assitance

- Natanggap din sa trabaho ang anak kaya naman halos wala rin silang ipambabayad sa multa kung sakali

- Subalit imbis na mabigyan ng tiket at magmulta, nabigyan pa ng tamang helmet ang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Photo from Gadget Addict
Source: Facebook

Nagulat ang mga netizens nang mapanood ang video ng dalawang naka-motorsiklo na nahuli sa EDSA dahil sa maling helmet ang gamit ng isa.

Mismong si EDSA Traffic Chief Bong Nebrija ang nakahuli sa dalawa na kanilang pinahinto upang makausap.

Nalaman ng KAMI na mag-ina pala ang magka-angkas sa motor na patungo umano sa DSWD.

Hihingi ng medical assistance ang ina na sinamahan ng kanyang anak.

Mother Kween, emosyonal nang ipakita ang update sa bahay ng anak na si Lloyd Cadena

Nawalan daw kasi ng trabaho ang anak kaya namomroblema sila sa gastusin sa pang-araw araw.

Kaya naman ganoon na lamang ang pakiusap nilang huwag na sana silang mabigyan ng ticket dahil sa violation na paggamit ng substandard na helmet.

P1,500 pa naman ang multa sa mga nahuhuling mali ang helmet kaya naman malaking problema na ito sa mag-ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Subalit tila maswerte ang dalawa na hindi nga nabigyan ng ticket. Nabigyan pa umano ng tamang helmet ng ina na inabot mismo ni Traffic Chief Nebrija.

Naikwento pa nilang hiniram lamang nila ang helmet makapunta lamang sa kanilang lakad sa araw na iyon.

Nagpasalamat ang mag-ina dahil sa pang-unawa ng mga traffic enforcers sa kanila.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Minsan ding nag-viral ang ginawa ng isang vlogger na nakipagsabwatan sa mga traffic enforcer sa kanilang lugar.

Nanghuhuli sila ng mga taong mali ang suot na helmet upang mabigyan ang mga ito ng bago at tamang helmet na magagamit nila sa araw-araw.

Minsan, hindi lamang helmet ang ibinibigay ng mga taong may mabubuting kalooban.

Isang security guard na kiddie bike lamang ang gamit ang nabigyan ng mga pulis ng totoong bike para magamit nito sa pagpasok sa trabaho.

Ngayong panahon ng pandemya, tila ang magandang nangyayari lamang sa atin ay ang pagtutulungan na mas lumilitaw sa panahong mas marami ang nangangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel