Bride na hirap maglakad, pinasan na ng groom matapos ang kanilang kasalan

Bride na hirap maglakad, pinasan na ng groom matapos ang kanilang kasalan

- Viral ang post tungkol sa bride na bagama't hirap maglakad, nagawa pa ring maglakad papunta sa altar

- Nagpakilig ito sa maraming netizens dahil sa kabila ng kapansanan ng babae ay nakahanap pa rin ito ng lalaking tatanggap at magmamahal sa kanya

- Nang matapos ang seremonya, pinasan na ng lalaki ang kanyang misis palabas ng simbahan upang hindi na ito mahirapang maglakad

- Hinangaan sila ng netizens dahil patunay lamang umano na totoong nag-iibigan ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bride na hirap maglakad, pinasan na ng groom matapos ang kanilang kasalan

Rosie Babor at Mario Perez (Photo from Sto. Niño Parish Acolytes Facebook)
Source: Facebook

Marami ang kinilig sa bagong kasal sa Cebu dahil sa seremonya pa lamang ay kitang-kita na ang wagas na pagmamahalan nina Rosie Babor at Mario Perez.

Nalaman ng KAMI na ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib nitong Lunes, Oktubre 5, sa Sto. Niño Parish.

Makikita sa larawang ibinahagi mismo ng naturang simbahan sa kanilang Facebook page na bagaman at hirap na maglakad ang bride, sinikap niyang marating ang altar kung saan naghihintay ang kanyang groom.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Nakunan ng larawan ang nakakaantig na eksena na ito kung saan sinalubong na ng groom ang kanyang pakakasalan at inakay na patungong altar.

Matapos ang seremonya, minabuti na ni Mario na pasanin ang kanyang misis na si Rosie upang hindi na ito mahirapan pa sa paglalakad palabas sa simbahan.

Naantig din ang puso ng mga netizens dahil patunay lamang daw umano na tunay na nagmamahalan ang dalawa lalo na at tanggap ng mister ang kalagayan ng kanyang pinakasalan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinahihintulutan ang seremonya ng kasal kahit nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang iba't ibang lugar sa bansa basta't makasusunod ito sa mga safety protocols at limitado lamang ang mga taong maaring dumalo.

Hangga't maaari, malalapit lamang sa mga ikakasal ang maging saksi ng kanilang pag-iisang dibdib upang makapag-ingat sa patuloy pa ring paglaganap ng COVID-19.

Bibong PE teacher sa kanyang online class, kinagiliwan ng netizens

Ang bawat dadalo, kasama ang groom at bride at nararapat na magsuot ng face mask at face shield.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang larawan ng isang bride na hindi raw umano "naka-emote" dahil sa pagbukas ng pinto ng simbahan ay thermal scanner ang bumungad sa kanya upang ma-check ang kanyang body temperature.

Mayroon din namang ikinasal na imbis na magkaroon ng handaan, minabuti na lamang na mamigay ng mga grocery items at mga personal protective equipment o PPE sa mga medical frontliners.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel