Mga guro, umalma sa pahayag ni Cagayan Gov. Manny Mamba na wala umano silang ginagawa

Mga guro, umalma sa pahayag ni Cagayan Gov. Manny Mamba na wala umano silang ginagawa

- Tila hindi nagustuhan ng maraming guro ang naging pahayag ng gobernador ng Cagayan na si Governor Manny Mamba

- Ito ay matapos niyang tahasang sabihin na sumisweldo ang mga kaguruan subalit "nag-e-enjoy" lamang ang mga ito at wala umanong ginagawa

- Dagdag pa ng gobernador, nararapat lamang na bawasan ang sahod ng mga guro gayung naka-work from hone naman ang mga ito

- Kaya naman umaasa rin daw ang gobernador na paiigtingin pa rin ng mga kaguruan ang kanilang trabaho ngayong hindi na face-to-face ang klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Cagayan Gov. Manny Mamba (Photo from Governor Manuel Mamba's Facebook)

Cagayan Gov. Manny Mamba (Photo from Governor Manuel Mamba's Facebook)
Source: Facebook

Naging kontrobersyal ang pahayag ng gobernador ng Cagayan na si Governor Manny Mamba kaugnay sa mga guro ngayong nagbukas na ang panuruang taon 2020-2021.

Nalaman ng KAMI na tila umalma ang mga kaguruan sa sinabi ng gobernador na wala umano siang ginagawa ngayong ang karamihan pa rin sa kanila ay 'work from home' pa rin ang set-up.

Lalaking 'di nakakabasa, pinagtripan ng ilan; netizens, tinag si Tulfo

Sa panayam ng DZRH sa gobernador noong Oktubre 3, tahasan nitong sinabi na "nag-e-enjoy" lamang daw ang mga guro na patuloy na sumisweldo ng buo gayung wala daw ginagawa ang mga ito.

Nabanggit pa niya na mayroon daw batas na kung naka-work from home ang nagtatrabaho ay nararapat lamang daw na bawasan ng sinasahod.

Sinabi pa nitong hindi na raw nararapat na magreklamo pa ang mga guro dahil lugi raw ang gobyerno dahil hindi umano natatapatan ng tamang bigat ng kanilang trabaho.

Dahil dito, maraming guro ang umalma sa nasabi ng gobernador.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan ay nag-viral ang isang guro na buwis buhay na tumatawid ng ilog upang makapaghatid lamang ng learning modules ng kanyang mga estudyante na walang gadget at walang internet.

Dahil sa kahanga-hangang gawaing ito ng guro, naibahagi ng Kapuso mo, Jessica Soho ang kwento niya upang ipakita na rin ang hirap at sakripisyong sinaranas ng mga guro na nasa pampublikong paaralan.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Minsan na ring nag-viral ang ilang guro sa Mindoro na sumakay pa ng payloader truck upang makatawid din sa ilog at makapaghatid ng mga learning modules sa kanilang estudyante.

Ilan lamang daw umano ito sa mga 'ginagawa' ng guro na taliwas sa pahayag ng gobernador na wala umano silang ginagawa dahil nasa bahay lamang sila.

“Halos naiyak ako sa narinig kong sinabi ni Governor, lalo pa nga at kasalukuyan akong nahihirapan sa mga ginagawa kong trabaho na pawang bago sa akin. Gusto ko pong malaman ni Governor Mamba at ng lahat na hindi po nawalan ng trabaho ang mga guro mula noong Marso at kombinasyon iyon ng work-from-home at on-site reporting,” pahayag ni Emmalyn Policarpio, Secretary-General of Teachers’ Dignity Coalition sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

Narito ang ilan pa sa mga naging pahayag ng guro mula sa Facebook page na "Teacher's Be Like":

"Nakakalungkot, sila sana kabalikat ng mga guro ngayong pandemic. Kumustahin mo rin po mga guro diyan, pagod at puyat po sila palagi..hndi ka lang aware..."

"Sana inalam po niya ang totoong sitwasyon bago po siya nagsalit, baka po magsisi siya sa bandang huli"

"Kawawa po ang mga guro ng kanyang nasasakupan. hindi po nakikita ang kanilang hirap at sakripisyo maisulong lang ang edukasyon sa kabila ng pandemya"

Sunod-sunod na nag-viral ang ilan sa mga kwento ng mga guro na naghahanda bago pa man magbukas ang klase ngayong Oktubre 5.

Ilan sa mga ito ay pawang kuhang larawan ng kanilang mga kaanak upang maipakaita na nagpapakahirap ang mga mahal nila sa buhay na guro kahit nasa bahay ang mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel