Lola na dumalo ng online class ng apo, kinagiliwan ng netizens

Lola na dumalo ng online class ng apo, kinagiliwan ng netizens

- Viral ngayon ang larawan ng isang lola na dumalo ng online class ng apo

- Ayon sa post, di na raw mapigilan ng apo at kailangan na nitong mag-CR kaya pinaupo muna niya ang lola upang makinig sa sasabihin ng guro

- Major subject daw umano ito ng apo kaya naman mahalaga ang bawat sasabihin ng kanilang guro sa asignaturang ito

- Sa pagbalik ng apo, natuwa siya sa kanyang lola na tila na-enjoy na ang pagdalo ng kanyang klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lola na dumalo ng online class ng apo, kinagiliwan ng netizens

Photo from PxHere
Source: UGC

Kinagiliwan ng maraming netizens ang larawan ng cool na cool na lola na dumalo ng online class ng kanyang apo.

Nalaman ng KAMI na nag-CR umano ang apo nitong si Ohne Miguel Yumang kaya pansamantala niyang pinaupo ang kanyang lola sa kanilang klase

Kwento pa ni Ohne sa kanyang viral post, major subject umano niya ang klase ng oras na iyon.

9-anyos na batang lalaki, matiyagang naglalako ng merienda para sa pamilya

Subalit hindi na niya mapigilan at kinakailangan niyang mag-CR.

Upang hindi makaligtaan ang sasabihin ng kanyang guro, minabuti niyang paupuin ang lola sa kanyang online class.

Sumunod naman ang lola at sinabi lamang na bilisan ang apo. Ngunit sa pagbalik ni Ohne, natuwa siyang makita ang kanyang lola na tila nag-eenjoy sa kanyang klase.

"'Tas pagbalik pinicturan ko siya kasi parang enjoy na enjoy niya yung klase, love you nanay P!" pahayag ni Ohne.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa larawan ng lola ni Ohne na game na game na nag-sit-in sa online class ng apo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang cute naman ni lola"
"Nakakatuwa ang lola mo, parang gusto na rin niyang mag-enrol!"
"Sweet naman ni Lola, para lang walang ma-miss si apo sa sasabihin ni Teacher."
Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan
"Naku lola, baka po kayo ang mabigyan ng grade ng prof, uno po agad"
"Good vibes si lola, parang gusto na niyang tapusin ang klase mo"

Sa ngayon, umabot na sa 54,000 na positibong reaksyon ang ang post at mayroon na rin itong 22,000 shares.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong Oktubre 5, nagsimula na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Nasa 22 million na mga estudyante ang yumakap sa 'new normal' ng edukasyon sa pamamagitan ng blended learning.

Bukod sa online classes na dinadaluhan ni Ohne, mayroon ding modular approach para sa mga walang internet at gadget. Maari ring magamit ang telebisyon sa pamamagitan ng DepEd TV at ilang radio stations.

Isang napakalaking hamon ito sa kagawaran ng edukasyon upang masiguro lamang ang kaligtasan ng mga mag-aaral na nais pa ring matuto sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel