Lalaking 'di nakakabasa na napagtripan sa Bulacan, nagpakumbaba pa rin

Lalaking 'di nakakabasa na napagtripan sa Bulacan, nagpakumbaba pa rin

- Sa kabila ng pamamahiyang dinanas ng isang lalaki mula sa ilang tao sa kanilang lugar ay nagpakumbaba pa rin ito

- Nag-viral ang istorya nito matapos i-post ng pamangkin ng lalaki ang ginawa rito ng ilang taong 'di na pinangalanan pa ng pamilya

- Ayon sa uploader, binigyan ng mga ito ang kanyang tiyuhin ng quarantine pass na may kakatwang nakalagay

- Agad naman itong nakarating sa programa ni Raffy Tulfo ngunit tumanggi na raw ang lalaki na magreklamo laban sa mga namahiya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pamamahiyang dinanas ng lalaking si Gorio Capule Paril mula sa ilang tao sa kanilang lugar ay nananatili itong mapagkumbaba.

Kamakailan ay nag-viral ang post ng netizen na si Maricar Cruz Sevilla tungkol sa kanyang tiyuhin na napag-tripan ng mga 'di na pinangalanang tao.

Lalaking 'di nakakabasa, pinagtripan ng ilan; netizens, tinag si Tulfo
Lalaking 'di nakakabasa na napagtripan sa Bulacan, nagpakumbaba pa rin

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

Ayon kay Sevilla ay binigyan ng mga ito ang kanyang tiyuhin ng quarantine pass na may kakatwang nakalagay tulad ng "Hepanget" at "Kobe Panget".

"Porket hindi nakakabasa yung tao ganto bibigay nyong qurantine pass. Kundi ko pa tinignan quarantine pass na sinasabi nya di ko pa malalaman na pinagtripan nyo lang pala yung tito ko.
"Alam nyo na hindi nakakabasa at hindi nya alam na nilalait nyo na sya sa quarantine pass na ginawa nyo sa kanya. Nasan po yung puso nyo? Sinamantala nyo yung tao," ayon sa post ni Sevilla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mabilis na nag-viral ang post ni Sevilla na umani ng inis mula sa mga netizens para sa mga taong gumawa nito kay Paril.

Marami pa nga ang nag-tag sa programa ng batikang mamamahayag at tinaguriang "King of Public Service" na si Raffy Tulfo.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

Ayon din kay Sevilla ay nakarating na ito sa programa at agad naman daw silang kinontak ng mga ito kaugnay sa nangyari.

Pero sa kabila nito ay tumanggi raw si Paril na magbigay ng komento tungkol sa nangyari at ayaw nang palakihin pa ang isyu.

"Good evening, raffy tulfo's staff already contacted us pero as of now po, ayaw pong magbigay ng komento ng tito ko, kasi po ayaw nya na daw po lumala ang issue, kahit na gusto namin ilaban, ipapasa diyos nalang po namin kung sino man ang gumawa nun. thanks for your concern po."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Samantala, pumanaw na ang OFW na nagpasaklolo kay idol Raffy para siya ay makauwi na sa bansa matapos magdusa dahil sa kanyang malubhang sakit.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel