Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

- Hindi na umaalis si Willie Revillame sa Wil Tower para sa kanyang programang Wowowin

- Nanatili siya doon kasama ang mga staff ng kanyang show upang mapanatiling ligtas ang lahat ng kanyang staff pati na rin siya

-Ipinakita ni Willie ang kanyang mga katrabaho sa likod ng camera, kung saan sila pumapasok patungong set-up ng Wowowin

- Ipinasilip din ni Willie ang nakaabang na kitchen showcase at living room showcase na maaaring mapanalunan sa Spin A Wil

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

SA pamamagitan ng isang virtual tour, ipinasilip ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang pamumuhay sa Wil Tower.

Simula kasi nang nakabalik siya sa Maynila noong Abril at itinuloy ang kanyang programa, ang nasabing lugar na ang naging studio ng Wowowin at nagsilbing tahanan niya at ng kanyang staff hanggang ngayon.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

“Ang lahat po ng ito ginagawa ko, ginagawa namin para ho hindi na sila umuwi. Para ho safe na tayo,” ani Willie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinakita ni Willie ang kanyang mga katrabaho sa likod ng camera, kung saan sila pumapasok patungong set-up ng Wowowin, ang kanilang conference room, at pati na ang kanilang dirty kitchen.

Ipinasilip din ni Willie ang nakaabang na kitchen showcase at living room showcase na maaaring mapanalunan sa Spin A Wil.

Narito ang ilan sa mga saloobin ng mga netizens hinggil sa video na ito na ibinahagi ni Revillame.

Siya lang yung diretsahang nagsabi na “ binigyan ko yan ng 1 million “ Pero hindi mayabang ang dating..
Ang ganda ng studio ni kua wil metikuloso tlga para sa viewers advertisers na quality content sya amd very passionate sa ginagawa nya
Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens
Dati binabatukan lang ng mga sikat na artista ngayon mas mayaman na sa kanila

Ang Wowowin ay araw-araw napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts ng programa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

Photo from Flickr
Source: UGC

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa mayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay "Willingly Yours", Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Matatandaang umalma si Willie Revillame sa isang digital magazine tungkol sa isa umanong fake news tungkol sa kanya.

Nakilala ang TV host sa kanyang pagiging matulungin sa mga nangangailangan. Sa katunayan, 1,000 tablet ang kanyng pinamigay sa mga mag-aaral na mapipili para magamit sa kanilang pag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel