Lee Hye-ri ng Korean dramang Reply 1988, ginupit ang buhok upang i-donate

Lee Hye-ri ng Korean dramang Reply 1988, ginupit ang buhok upang i-donate

- Ibinahagi ng Korean celebrity na si Lee Hye-ri ng Kdramang Reply 1988 ang pagpapagupit niya sa kanyang buhok

- Ginawa niya iyon upang maidonate sa mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy dahil sa sakit na cancer

- Nakilala si Lee Hye-ri bilang ang bidang si Sung Duk-seon sa hit Korean drama series

- Matatandaang maiksi din ang kanyang buhos sa nasabing serye kaya marami ang natuwang makita siya bilang si Duk-seon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Korean actress na si Hye-ri ang kanyang paggupit sa kanyang buhok upang maibigay sa mga pasyenteng may cancer. Karamihan sa mga taong may ganitong sakit ay nawawalan ng buhok dahil sa pagkalagas dulot ng chemotherapy.

Aniya, sa loob ng limang taon ay hindi pa niya napapagupitan ang kanyang buhok.

Lee Hye-ri ng Korean dramang Reply 1988, ginupit ang buhok upang i-donate

Photo from 혜리/YouTube
Source: Instagram

Nauna siyang gumupit sa isang bahagi ng kanyang buhok ngunit sinigurado niyang magugupitan siya ng maayos kaya humingi siya ng tulong sa paggupit ng kanyang buhok.

Flight Attendant na nakilala sa kanyang tiktok videos, natanggal sa trabaho

“It will be donated to the headquarters that makes wigs for child cancer patients. I’ll donate my hair to those who need this more than I do. So I feel very fulfilled,” aniya.

Nang matapos ang kanyang gupit, aminado siyang natuwa siya sa kinalabasan nito.

Matatandaang maiksi din ang kanyang buhok sa seryeng Reply 1988 ngunit mas nagustuhan niya umano ang gupit niya.

“I think it looks different from how I looked in the past with short hair. I am very pleased that it looks different. And it’s very light.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lee Hye-ri ay miyembro ng grupong Girls’ Day. Pinakasumikat ang kanyang seryeng Reply 1988 kung saan gumanap siya bilang ang bidang si Sung Duk-seon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

OFW na aminadong maliit ang kita, nakapagpatayo pa rin ng sariling bahay

Kasakuluyang napapanood ang serye sa TV 5 matapos itong ipalabas sa Netflix kung saan umani ito ng magagandang reviews kaya lalong sumikat matapos itong unang lumabas noong 2015.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel